album cover
Lli
4
Hip-Hop/Rap
Lli was released on March 28, 2025 by Airon Paul P. Bayani as a part of the album Lli - Single
album cover
Release DateMarch 28, 2025
LabelAiron Paul P. Bayani
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM

Credits

PERFORMING ARTISTS
Hero
Hero
Performer
Airon Paul P. Bayani
Airon Paul P. Bayani
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Airon Paul P. Bayani
Airon Paul P. Bayani
Composer, Lyrics
Numerhus Maranan
Numerhus Maranan
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
EC Orduna
EC Orduna
Producer

Lyrics

Sa mundo na to ikaw ang may karapatan na mamili
Sayong mga gawi nakasalalay kung san mananatili
Ang yong kaluluwa na lumuluha kulang nalang ay iluwa
O maisuka ng kusa ng dahil sa mga halang ang bituka
Ano bang dapat gawin
Para lang makatikim
Lahat naman pinapamalas
Pero malas parin
Pag gumawa ka ng mabuti
Ay mamasamain
Kapag lumaban ka ng patas
Dinadaya lang din
Di na sapat ang maging tapat
Mas tapat pa ang mga sumalungat
Hinarap ang mahirap na hinaharap
At tinalikuran ang panandaliang sarap
Lagi daw gumawa ng mabuti
Kasi nga nasa huli ang pagsisisi
Yan naman ang palaging sinasabi
Ng mga may sala na madalas nahuhuli
Pano kung walang nakakita?
Aaminin mo pa ba baka hindi na
Madalas nagpapatay malisya
Laban sa konsenya parang ginisa sa sarili mong mantika
Gamit na gamit na
Ang salitang patawad
Bigyan niyo po ako ng isang pagkakataon pa
Sa daming tyansa na sayoy naigawad
Ay tila katumbas narin ng
Siyam na buhay ng pusa
Hindi ka manlang din nagpasalamat
Kaya ngayon ay mamili ka
Langit lupa, impyerno
Ngayon palang mamili na sa tatlo
Langit, lupa, impyerno
Hindi sa palad makikita ang kapalaran mo
Langit lupa, impyerno
Ngayon palang mamili na sa tatlo
Langit lupa, langit lupa
Langit lupa o impyerno
Tila maglalaho na ang aking hininga
Sa kakahanap ng lagusan o daanan palabas
Sa tahanan ng payaso na may hawak na palakol
At tumatawang malakas
Sa kabila ng aking mga dinadalangin
Na wag sana madapa ako ay kanyang naabutan
At ang kanan kong balikat sa sahig
Ay tumalbog at humampas
Kitang kita ko kung pano kunin ng maliliit na tao
Ang parte ng aking katawan
Ito ay pinakain sa asong alaga nitong payasong
Pabago bago ng mukha
Kanina’y tumatawa bigla nalang iiyak
Paulit-ulit sinasabi kahit ano daw gawin ko
Na pagtakas ay wala ng kawala
Kapalit daw ng kasalanang nagawa ko
At ang sabi niya’y napagutusan lamang siya
Na ako daw ay hugutin mula saking pagkakatulog
Upang sakin ay iparanas ang hirap na sa kapwa tao
Ang siyang aking ginawa
At biglang lumabas mula sa kisame
Ang mga imahe ng taong aking pinatay
Kapalit ng salapi sa akin ibinibigay
Ng mga pulitikong may pera
Ang akin lang naaalala ay may bumaon na bala
Dito sa aking noo at magmula noon
Ay hindi na ako natatahimik
Paulit ulit napupunit itong aking balat
Di uso ang pahinga kahit san pa ako magtago
Ay palaging okupado ng payasong mga kwarto
Ng bahay kung saan ako ay naging laruan
Ng kadilimang kumagat
Langit lupa, impyerno
Ngayon palang mamili na sa tatlo
Langit lupa, impyerno
Hindi sa palad makikita ang kapalaran mo
Langit lupa, impyerno
Ngayon palang mamili na sa tatlo
Langit lupa, langit, lupa
Langit lupa o impyerno
Talamak na ang nanlilimahid
Ng dahil sa galit natutong gumamit
Ng salitang mapanakit ng damdamin
Na kung kani kanino pinapakain
Kulang nalang ay sapatusin
Na kamao gamit, murahin na binubulong lang sa isip
Marami ng bait baitan subalit
Walang namang gustong mauna sa langit
Bato bato sa langit tinamaan ka
Di ko na kasalanan kung bakit ganyan ka
Yung dating ikaw tanong ko lang kung nandyan pa
Baka limot mo na kung bakit nga ba nandyan ka
Ngayon naabot mo na ang kalangit langitan
Mga paa mo ba ay nasa lupa pa?
O ginagamit mo yan para mantapak, manghamak malamang
Alam mo na kung saan ka mapupunta IMPYERNO
Langit lupa, impyerno
Ngayon palang mamili na sa tatlo
Langit lupa, impyerno
Hindi sa palad makikita ang kapalaran mo
Langit lupa, impyerno
Ngayon palang mamili na sa tatlo
Langit lupa, langit, lupa
Langit lupa o impyerno
Written by: Airon Paul P. Bayani, Numerhus Maranan
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...