album cover
Patawad
album cover
Patawad was released on April 29, 2023 by ZOS!MO as a part of the album Zenaida (Original Motion Picture Soundtrack) - EP
BPM152
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

Patawad
Ang una nating pagkikita’y
Ang huling pagkakataon kong
Mayakap ka’t madama ang tibok
Ng pusong hahanap-hanapin ko
Saglit nawaglit ang hapdi
Ng sugat na di mapapawi
Kundi ng ngiti mong patuloy kong
Aaninagin sa pighati
Mapapatawad mo pa ba ako
Kung tayo’y magkatagpo
Mapapatawad mo pa ba ako
Hanggang sa muling pagtatagpo
Nahimbing tayo sa paghele
Ng paghingang kay lambing
Nag-usap gamit ang wika
Ng paghaplos at pakikinig
Wala ka na nang mamulat ako
Wala naman talagang paraan
Lagi kang nasa dasal na nasaan ka ma’y
Laging may magmamahal
Mapapatawad mo pa ba ako
Kung tayo’y magkatagpo
Mapapatawad mo pa ba ako
Hanggang sa muling pagtatagpo
Copyright ©2020 by ZQuibilan
Written by: Zosimo Quibilan
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...