Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Juan Caoile
Juan Caoile
Performer
COMPOSITION & LYRICS
John Patrick Caoile
John Patrick Caoile
Songwriter
Elvin Santos
Elvin Santos
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Weckly
Weckly
Producer

Lyrics

[Verse 1]
Nagbubulag bulagan
Kunwari ay hindi masakit
Kahit na malaman
Patuloy mong itinatanggi
Oh, ang tibay mo talaga
Sa'n ba gawa yung ganyang mukha?
Ako pa ang namanipula
Pa'no mo yung nagawa?
Ako pa ang masama
Ginagawa mo ‘kong tanga
Pero ang mas malala
Ay pinapayagan kita
[Verse 2]
Bakit ba ang tanga, tanga
Kapag nagmamahal walang tinitira
Sa'yong sarili, anong ibibigay mo
Kung ubos ka na, ubos na
[Chorus]
Nasa'yo ang isip pati puso kaya ako'y nabo bobo, ooh
Kailan ba matatauhan ang isang katulad ko sa'yo?
Ang sakit na pero bakit nandito pa rin ako
Kahit nilalamig na, ooh
Nandito pa rin ako
[Verse 3]
Sabi ng utak ko sa'king puso, para na'kong mangmang
Sabi naman ng puso ko sa'king utak, kaya pa'yan
Nilulunod na palagi ng alak yung isip
Binabaligtad na lang yung kalagayan
Pinapaniwala sarili baka ako'y may kasalanan pa na
'Di pa napagbabayaran, oh, ano pa ba aking kulang
Hindi pa ba ako sapat nakikitang tila balot ng sugat
Ba't kahit mas lagi pa kitang inaalala, mas tinutuluyan
Binubuwag na lang ba hanggang matutunan kang sukuan
[Verse 4]
Sabi nila ay may aral du’n sa mga mali
Ba't kahit dami na sa'yong nakikita
Walang tanong ka sinasagip
Kahit mapabayaan na mga nadarama ko, sinasantabi
Yung duda ko inaalis, 'la mang sagot sa'king tampo
Kung ba't tayo gan'to ay tinitiis na lang
[Chorus]
Nasa'yo ang isip pati puso kaya ako'y nabo bobo, ooh
Kailan ba matatauhan ang isang katulad ko sa'yo?
Ang sakit na pero bakit nandito pa rin ako
Kahit nilalamig na, ooh
Nandito pa rin ako
[Chorus]
Nasa'yo ang isip pati puso kaya ako'y nabo bobo
Kailan ba matatauhan ang isang katulad ko sa'yo?
Ang sakit na pero bakit nandito pa rin ako
Kahit nilalamig na
Nandito, nandito
Nandito pa rin ako
Written by: Elvin Santos, John Patrick Caoile
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...