album cover
Ebanghelyo
Christian & Gospel
Ebanghelyo was released on June 20, 2025 by Washi as a part of the album Ebanghelyo - Single
album cover
Release DateJune 20, 2025
LabelWashi
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM92

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Washi
Washi
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Elino Reyes
Elino Reyes
Songwriter

Lyrics

Ebanghelyo kasi iba ang hell yo
Nakakatakot minsan ang mundo, ang gulo
'Di mo na malaman pa ang peke sa totoo
Mga tao na mahal mo ang mananakit sa 'yo
Na sa puso mo katumbas ay malakas na bagyo
Hindi yan tropikal pero dala ay depresyon
Marahil ang pag-ibig isa lamang ilusyon
Kung meron man malayo at ito'y nagbakasyon
Teka, teka lang, nandyan ka ba Panginoon?
Ikaw ay sumagot at ang sagot mo mahinahon
'Di ka napikon sa mga banat ko at hamon
Ang sabi mo "sa galit 'wag na 'wag kang magpalamon"
Kasama mo Ako maging sa dagat na maalon
Kasama mo Ako maging sa daang malubak
Kasama mo Ako walang duda at tiyak
Kasama mo Ako tuwing ang puso mo'y wasak
Kasama mo Ako sa bawat luhang papatak
Ang Diyos ay Pag-ibig
Gamitin ang 'yong tinig
Sa mundo iparinig
Papuri at paghimig
Ang Verbo o Salita na sa lahat ay lumikha
Mula sa langit bumaba, nakakamangha
Nagkatawang-tao upang ikaw at ako
Iligtas sa kasalanan, ang pangako'y ito
Ang mananampalataya tiyak makakalaya sa tanikala
Ng mundong madaya at pagkakasala
Dahil sa biyaya, 'di sarili mong gawa
Nang sa ganon hindi magmataas
Si Kristo'ng katuparan ng Batas at lahat ng propesiya
Ang nag-iisang Mesiyas at Siya ang umako ng parusa
Nang sa kabilang buhay hindi na tayo magdusa
Pinawalang bisa lahat ng uri ng sumpa
Laban sa'tin maging sa'ting ninuno nagmula
Kapayapaan ang dala sa puso na pagal
Itong nagagawa ng tunay na pagmamahal
Ang Diyos ay Pag-ibig
Gamitin ang 'yong tinig
Sa mundo iparinig
Papuri at paghimig
Written by: Elino Reyes
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...