album cover
Palayain
Hip-Hop/Rap
Palayain was released on July 21, 2025 by Johndeb Chavez as a part of the album Palayain - Single
album cover
Release DateJuly 21, 2025
LabelJohndeb Chavez
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM87

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Johndeb Chavez
Johndeb Chavez
Vocals
Itchuboi Anthony
Itchuboi Anthony
Performer
Anthony Gabrieles
Anthony Gabrieles
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Johndeb Chavez
Johndeb Chavez
Composer, Lyrics
PRODUCTION & ENGINEERING
Johann Abundo
Johann Abundo
Mixing Engineer, Mastering Engineer

Lyrics

Bakit nga ba tila nag-iba ihip ng hangin?
Hindi ko namalayan na wala ka na sa 'king piling
Meron na bang iba? Saan na napunta?
Ang mga pangarap natin, binuo noong tayo'y magkasama
Hanggang ngayon bumabalik ang mga alaala
Mga araw na dumaan, noong tayo'y magkasama
Naaalala mo pa ba, 'yung gabi noong tayong dalawa'y
Masayang magkayakap habang nakatingin sa mga tala?
Hindi ko inakalang hahantong sa ganito
Akala ko kasi, tayo na hanggang dulo
Ngunit hindi pala, umaasa lamang sa wala
Na ikaw pa rin ang makakasama ko hanggang sa pagtanda
Nasan ka man ngayon, sana'y maalala mo
Na nandito lang ako, naghihintay pa rin sa'yo
Pero kung masaya ka na sa piling ng iba
Wala na 'kong magagawa kundi palayain ka
Pinipilit kong limutin, ngunit 'di ko magawa
Sa bawat sulok ng mundo, alaala mo'y nandito pa
Iniwasan ko na lang ang mga paboritong kanta
Dahil sa bawat himig, pangalan mo ang nadarama
Minsan gusto kitang tawagan, kahit alam kong wala nang sagot
Minsan gusto kitang balikan, kahit alam kong puso mo'y may poot
Ngunit paano nga ba ang pipilitin ang 'di na para sa'kin?
Paano pipigilan ang pusong nais kang mahalin?
Nasan ka man ngayon, sana'y maalala mo
Na nandito lang ako, naghihintay pa rin sa'yo
Pero kung masaya ka na sa piling ng iba
Wala na 'kong magagawa kundi palayain ka
Kung sakali mang magbago ang ihip ng hangin
Kung sakali mang magbalik ang 'yong damdamin
Nandito lang ako, hindi pa rin naglaho
Ngunit 'di na ako aasa kung hindi na tayo
Nasan ka man ngayon, sana'y maalala mo
Na minsan may isang taong ibinigay ang buong puso
At kung masaya ka na sa piling ng iba
Ngayon palang, hayaan mo... palayain na kita
Written by: Johndeb Chavez
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...