album cover
Ayos Ba?
436
Hip-Hop/Rap
Ayos Ba? was released on August 15, 2025 by Panty Droppaz League as a part of the album 247
album cover
Album247
Release DateAugust 15, 2025
LabelPanty Droppaz League
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM107

Credits

PERFORMING ARTISTS
Flow-G
Flow-G
Vocals, Background Vocals
Daryl Ruiz
Daryl Ruiz
Guitar
COMPOSITION & LYRICS
Archie Dela Cruz
Archie Dela Cruz
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Flip-D
Flip-D
Mastering Engineer, Mixing Engineer
Jvmesgnto
Jvmesgnto
Producer
Madeindvn
Madeindvn
Mixing Engineer

Lyrics

[Chorus]
Kamusta ka na? Kamusta ka na?
Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba?
Wala namang dapat ipag-alala
Maniwala, 'wag ka mangamba
[Verse 1]
Habang oras ay tumatakbo
Kailangan malaman mo
Kung ano 'yung mga gusto mo lang
Sa tunay na kailangan mo
Kung sino pa 'yung mga mahiling
Sila pa mga nagtatampo
Ulanin ka man nang ulanin
May iba pa ring binabagyo
[Verse 2]
Lumingon sa paligid, makikita
'Yung iba, hirap na rin, nakangiti pa
'Yung iba, wala kahit na bisikleta
Habang ikaw, naghahanap ka pa ng gasolina
Kung lungkot tiyaka bigat magkapalitan
Saluhin mo lang lahat, 'wag ka lumiban
'Yan ang mga dahilan para tumibay tayo
'Di lang 'yan basta palamuti lang
[Verse 3]
Gumawa ng paraan kaysa magreklamo
Isa 'yan sa pinakamahalaga
Ang sikreto para 'di ka mapagod
Gawin kung sa'n ka pinakamasaya
Para 'di mo rin kailangan magtiis
Tiyaka 'di ka din gaano mainip
Kasi 'di lahat ng bagay mabilis
[Chorus]
Kamusta ka na? Kamusta ka na?
Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba?
Wala namang dapat ipag-alala
Maniwala, 'wag ka mangamba
[Verse 4]
'Wag ka na maraming hinahanap
Kada gising, ipagpasalamat
Lalo na kapag may nilalatag ka
Du'n palang dapat ay mapanatag na
'Yung iba, walang nasisilungan, 'yung iba, nagugutuman
'Yung iba, baon sa utang, 'yung iba, nasa kulungan
Sarili, 'di matulungan habang ikaw ay malaya ka
[Verse 5]
Sa'yo, ako na magbabalik
Tatapik na natural lang ang dumadaing
May mga bagay na 'di dumadating
Kasi 'pag na sa'yo na hindi ka na sabik
Tingnan mo na lamang 'yung iba, kahit mayro'ng dinadala
Hindi marunong madala kasi marunong magdala
Sa mga pagsubok, 'di sila nagpadala
Tingnan mo ngayon kung saan sila dinala
[Verse 6]
Mga daraanan natin, kahit malala
'Pag nalampasan, balewala na rin malaon
Pagka wala ka pang mga sugat sa kahapon
Du'n mo masasabi na hindi ka pa malayo
Asahan na kung saan, saan ka pa dadapo
Tiyaka kung saan, saan ka dadalhin ng alon
'Wag magmadali kasi wala kang hinahabol
Huminga ka pagka hinahapo
[Chorus]
Kamusta ka na? Kamusta ka na?
Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba?
Wala namang dapat ipag-alala
Maniwala, 'wag ka mangamba
[Verse 7]
Ano man ang kalagayan, sana makaraos ka
Mga pinagdadaanan mo, matapos na
'Di mo na dapat isipin kung may galos ka
Ang mahalaga, ayos ka, ayos ba?
[Verse 8]
Mga gusto makamit
'Wag ka mangangalay abutin, 'wag mo ako biguin
'Di lang ako handa makinig
Tutulungan pa kita na humiling para lalong tuparin
Lagi lang nakaalalay na makatawid
'Di nakakalimot na ika'y kamustahin
Sana 'pag ako naman kailangan pasagip
May makaalala na ako ay tanungin
[Chorus]
Kamusta ka na? Kamusta ka na?
Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba?
Wala namang dapat ipag-alala
Maniwala, 'wag ka mangamba
[Chorus]
Kamusta ka na? Kamusta ka na?
Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba?
Wala namang dapat ipag-alala
Maniwala, 'wag ka mangamba
[Chorus]
Kamusta ka na? Kamusta ka na?
Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba?
Wala namang dapat ipag-alala
Maniwala, 'wag ka mangamba
Written by: Archie Dela Cruz
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...