album cover
album cover
Orie was released on October 17, 2025 by Orieland as a part of the album Orie - Single
October 17, 2025
LabelOrieland
BPM144
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

Anak sana ay marinig mo ito
Kahit mawala na ako sa tabi mo
Buksan mo lagi ang isip at puso
Pagpapakumbaba diyan ka matututo
At kung mayroon mang pantal at bakas ng sugat
Na galing sa masamang karanasan
Alalahaning magpasalamat
Puso ay naturuang magmahal
Hakbang ka lang kahit paisa-isa
Hindi kailangan na magmadali ka
Bakit kailangang tumakbo kung ako'y kasama mo
Hawak kamay tayo ikutin ang mundo
At kung ang mundo ay di na maintindihan
Manalangin ka lang sa Maykapal
Na puso at isip ay makapagpahinga
Bukas uli ay babangon ka
Hakbang ka lang kahit paisa-isa
Hindi kailangan na magmadali ka
Bakit kailangang tumakbo kung ako'y kasama mo
Hawak kamay tayo ikutin ang mundo
Bakit kailangang tumakbo kung ako'y kasama mo
Hawak kamay tayo ikutin ang mundo
Hawak kamay tayo ikutin ang mundo
Written by: Alfredo Jr Dematera Engay
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...