album cover
Dilemma
2
R&B/Soul
Dilemma was released on June 2, 2023 by unstable records as a part of the album Dilemma
album cover
AlbumDilemma
Release DateJune 2, 2023
Labelunstable records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM75

Credits

PERFORMING ARTISTS
NICHIMI
NICHIMI
Vocals
Nicholas Cioco
Nicholas Cioco
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Nicholas Cioco
Nicholas Cioco
Songwriter, Lyrics
PRODUCTION & ENGINEERING
Nicholas Cioco
Nicholas Cioco
Producer, Mixing Engineer, Mastering Engineer, Vocal Recording Engineer

Lyrics

Woah-ohh
Ooh-ooh, ooh-ooh, woo-ooh
Darating din ang panahon na hahatakin kita sa kama
Bagong gising, magulo buhok naka pajama
Bibili ng turo-turo pag-lampas ng eskenita
Sakay ng jeep, abot ng bayad, mamaya pumara
Kahit saan mo pa dalhin, sumampa pa tayo sa tren
Kumulimlim man ang panahon, maliligo us sa rain
Sagot ko na yung ukay-ukay, pati pagkain
Kasi sa "oo" mo palang, baka limot ko aking name (sheesh)
Napapangiti kahit naghuhugas ng plato
Ngumingisi kahit dinidilaan na ako ng aso
Nag-aabang ako sa bawat minuto kung baka ayain mo ako
Na magikot-ikot, kasama mo
Kausap mo sa bawat sandali na ika'y may problema
Alam ko na hanggang kaibigan lang pero gusto ko ng umamin
Kahit para 'tong dilemma para sakin
Sana 'di 'to lamang liparin ng hangin
Ako'y sa'yo, ikaw ay akin
Ikaw lang ang nais makasama
Kahit na 'di tayo tinadhana
Hindi susuko, pintig ng puso
Bumaliktad man ang mundo, lalanguyin ka hanggang dulo
Ikaw ang laman ng aking imahinasyon
Sa bawat kilos, 'kaw ang tanging inspirasyon
Alam ko naman na 'di pa 'to tapos
Ikaw ang isinisigaw ng puso kahit na paos
Magpupursigi na ikaw ay ligawan
Dahil ako ay natapilok, nahulog na sa iyo ng lubos
Nahihiya, nangangatog na banggitin
Sa iyong harapan ang iyong halaga saakin
Pero gagawin, kahit na baka ako ay malasin
Ikaw ang pahinga sa araw-araw dahil parang
Langit ang iyong mata, sinta mahal kita
Pag kapiling ka, ibang-iba aking nadarama
'Di matumbasan at 'di mahigitan
Ng kahit na ano mang bagay ang aking pagmamahal
Kahit languyin ang ibayo, baryo baryo, naka kabayo
Wala na akong ibang makitang hihigit sa tulad mo
Kahit 'la akong magawa pag iba ang kasama mo
"Di ako nagseselos pre, naiinggit lang naman ako"
Dahil pag nakakasama ka
Pakiramdam ko'y di maikumpara sa iba
Kahit na ang sabihin ng iba ay "wala ka nang pag-asa pa sa kanya"
Shut my ears kaibigan, 'di po ako madaling sumuko
Alam ko kung san 'to patungo, susundin ko lang ang puso
Ikaw lang ang nais makasama
Kahit na 'di tayo tinadhana
Hindi susuko, pintig ng puso
Bumaliktad man ang mundo, lalanguyin ka hanggang dulo
Ikaw ang laman ng aking imahinasyon
Sa bawat kilos, 'kaw ang tanging inspirasyon
Written by: Nicholas Cioco
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...