album cover
Dito Ka
1
Pop
Dito Ka was released on October 21, 2025 by Enterphil Entertainment Corporation as a part of the album Dito Ka - Single
album cover
Release DateOctober 21, 2025
LabelEnterphil Entertainment Corporation
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM100

Credits

PERFORMING ARTISTS
Olarvina
Olarvina
Performer
Maro Ignacio
Maro Ignacio
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Maro Ignacio
Maro Ignacio
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
LeMon Traxx
LeMon Traxx
Producer

Lyrics

Nakatingin sa ulap
Pasan ang bawat luhang pumapatak
Ano ang hinahanap
Nasanay palaging mag-isa
Nararamdama'y ibang-iba
Noong ika’y makita (woah)
Tanong ng puso ay ikaw kaya
Ang siyang nakatadhana
Ika'y bituin sa ‘king mata
Sasalubungin na kita
Halika’t lumapit sa ‘kin
‘Wag mag-alala
Lisanin ang kalungkutan na kasama ka
Halika na sa akin
Sabik sa sasabihin
Dito ka na lang sa akin tumabi
Hayaan mo na ika'y mayakap sa gabi
Liyab ng puso ay ‘wag nang patagalin
Dito ka na lang
Dito ka lang yeah
Hindi nakakasawa (woah)
Tumitig sa iyong mga mata
Ligaya na ‘yong hanap
Sa akin mo na ipadama
Sulitin na nating dalawa
Halika’t humawak sa ‘kin
‘Wag nang mangamba
Danasin ang bawat init na mayro’ng kaba
Sabik na ba sa ‘kin
Gawin mo na sa akin
Dito ka na lang sa akin tumabi
Hayaan mo na ika'y mayakap sa gabi
Liyab ng puso ay ‘wag nang patagalin
Dito ka na lang, dito ka lang
Dito ka na lang at ‘wag kang aalis
Sa buhay ko
‘Wag nang piliting magtiis
Ako'y nandito at sabik sa ‘yong halik
Dito ka na lang, dito ka lang yeah
Yo, motibo sa mga mata ay ‘di na mapigilan
Naging daanan ang tinginan upang masubukan
Sagad sa init ang patuloy na naramdaman
Walang makakapigil
Para sa ’tin ay nakalaan
Halik sa labi mong pula ay ‘di ko malimutan
Nakaabang sa mga bagay na inaasahan
Sagot ka sa lahat ng aking pangangailangan
Darating ang araw tayo din ang magkakatuluyan
Dito ka na lang sa akin tumabi
Hayaan mo na ika'y mayakap sa gabi
Liyab ng puso ay ‘wag nang patagalin
Dito ka na lang, dito ka lang
Dito ka na lang at ‘wag kang aalis
Sa buhay ko
‘Wag nang piliting magtiis
Ako'y nandito at sabik sa ‘yong halik
Dito ka na lang
Dito ka lang yeah
Written by: Maro Ignacio
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...