album cover
Maleta
Hip-Hop/Rap
Maleta was released on December 5, 2025 by Fatal Sign Records as a part of the album Maleta - Single
album cover
Release DateDecember 5, 2025
LabelFatal Sign Records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM77

Credits

PERFORMING ARTISTS
Numerhus
Numerhus
Performer
Joseph Arnold Maranan
Joseph Arnold Maranan
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Joseph Arnold Maranan
Joseph Arnold Maranan
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Joseph Arnold Maranan
Joseph Arnold Maranan
Mastering Engineer

Lyrics

Habang sya'y tulog sa malambot na kama
At katabi ang kanyang mahal na asawa
Pinasok ko ang kwarto nila napakalamig
Tila pusang di marinig ang paglakad sa sahig
Aking idinampi ang itak sa leeg
Sabay mulat ng mata ng tinig ko ay narinig bos
Sino ka tinawag ko sya sa kanyang pangalan
Pagulat na sambit pinandilatan
Nagising din asawa nyang kahit na sumigaw
Humingi man ng tulong di makakagalaw
Tinali ang kamay dinala dun sa sala
Kasama ng mga katulong pati gwardya
Di ako nagiisa pero ako may pakana
Marami kami dito at umaasa ka pa ba
Na ikaw ay bubuhayin dahil sa ginagawa
Bakit ang mga kabaryo mo ngayon binabaha
Hindi lang basta kulong
Bitayin bitayin
At wag na wag patatakasin
Hindi lang basta kulong
Sunugin sunugin
At wag na wag patatawarin
Buhusan nyo ng gas ang paligid ng bahay
Kunin nyo lahat ng matatangay na bagay
Mapapera o alahas lahat ng pwede magamit
Tapos sindihan ang tahahan ng mga ganid
At silang magasawa ay kaladkarin sa Plaza
Pati mga kakuntyaba dun magsamasama
Kahit ipagsigawan nyo na walang kasalanan
Galit ng yung mga kalugar ay mararanasan
Inalis ang saplot nilatigo sa likod
Di mabilang na tadyak suntok ng nakapalibot
Hinampas ng kawayan kanilang katawan
Tinutusok ng punyal ang tyan ng kawatan
Eto ang hustisya na nais naming mangyare
Ibitin ng patiwarik ang lahat ng kasale
Iba'y patakbuhin paulanan ng bato
Asawa nila ay kalbuhin bago gawing abo
Hindi lang basta kulong
Bitayin bitayin
At wag na wag patatakasin
Hindi lang basta kulong
Sunugin sunugin
At wag na wag patatawarin
Ikaw ang aming binoto para maging Alkalde
Sa pag asa na mayrong magandang mangyayare
Idolo ng aking Tatay ang yumao mong Ama
Dahil nung panahon nya bayan natin ay maganda
Pinangako mo na tayo ay di na babahain
Naalala ko pa nun pinalakpakan ka namin
Isang daang milyon ang kaban na nakaatas
Para sa pagsasaayos napakamalas
Wala kaming nakitang anoman na inaayos
Parating na ang bagyo walang dike na natapos
Hangang sa kinakatakot na delubyo'y humampas
Umapaw ang mga dam kaya sila nagpaalapas
Tonetoneladang tubig sa bayan rumagasa
Daang buhay nawala sa lampas bahay na baha
Bata matanda at may mga sangol pa na nalunod
Tapos susulpot ka lang kasi may nakaburol
Kami ay hindi tanga para di malaman lahat
Na inyo ng binulsa at kayo magkakasabwat
Kaya anong awa ang hinihingi nyo sa amin
Ninakawan nyo kami kaya binabaha sa amin
Isa ako sa inutusang kumuha ng maleta
Na naglalaman ng milyon milyon na pera
Dati mo kong tauhan sunod sunuran sayo
Akalain mong ako rin pala susunog sayo
Hindi lang basta kulong
Bitayin bitayin
At wag na wag patatakasin
Hindi lang basta kulong
Sunugin sunugin
At wag na wag patatawarin
Written by: Joseph Arnold Maranan
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...