album cover
Sa Laylayan
2
Alternative
Sa Laylayan was released on January 4, 2026 by iSurge Music Records as a part of the album LIWANAG
album cover
AlbumLIWANAG
Release DateJanuary 4, 2026
LabeliSurge Music Records
LanguageEnglish
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM89

Credits

PERFORMING ARTISTS
iSurge Music
iSurge Music
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Rod Lindreine Calzado Racal
Rod Lindreine Calzado Racal
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
iSurge Music
iSurge Music
Producer

Lyrics

Sa lungsod, usapan ay bilyong ninakaw, parang laro lang sa mesa
Pera'y umiikot sa bulsa, puro kwento, puro drama
Pero sa laylayan, ibang tunog ang umaga
May makakain ba tayo, hanggang kailan pa 'to, Ina
Batang naglalakad, tiyan ay walang laman
Inang lumuluha, sanay sa gutom at hapdi ng araw
Ospital na ilang oras nilang nilakad pauwi
Walang gamit, walang gamot, minsan pati doktor wala
Habang may lumalaban para sa isang hininga
May ilang nakaupo, iniisip ang porsyentong makukuha
Tanong ng sarili nila, saang komite ba may dagdag na dala
Habang ang taong pinaglilingkuran nila, naghihintay ng awa
Sa laylayan ng bansa, sila ang laging nauuna
Sa gutom, sa pagod, sa pag-asang lumalayo pa
Hindi sila dapat nauuhaw, hindi dapat naglalakad nang malayo
Kung 'di ninakaw ang pondo ng bayan, may liwanag sana bawat mamamayan
May isla akong nakita, tubig ang tunay na ginto
Bawat patak tinatabi, kahit alat, kahit mapait ang naiinom
Walang paligo, walang hugas nang malaya
Ginagamit ang tubig kahit paulit-ulit na
Para makainom, biyaheng dagat, biyaheng lupa
Isang galon ang halaga'y parang parusa
Sa bundok ganoon din, balon ay tuyo, ilog ay patay
Isang proyektong 'di dumating, pangakong napako sa hangin
Desalination, kaunting milyon lang ang halaga
Solar power, ilang milyon, buhay na ang buong isla
Pero proyektong maliit, hindi nila sineryoso
At alam mo na kung bakit
Maliit ang komisyong nakapaloob dito
Sa laylayan ng bansa, sila ang laging nauuna
Sa gutom, sa pagod, sa pag-asang lumalayo pa
Hindi sila dapat nauuhaw, hindi dapat naglalakad nang malayo
Kung 'di ninakaw ang pondo ng bayan, may liwanag sana bawat mamamayan
Habang may nag-iipon ng patak ng tubig para lang mabuhay
May ilang nasa gabi, nagsusunog ng pera na parang walang halaga
Isang taya lang 'yon, pero kaya nang buhayin ang buong isla
Buong isla, kaya sanang iahon ng halagang nawala sa laro
Sa dulo, hindi pera ang tunay na kulang
Kundi puso, malasakit, at tapang maging tapat
Kung ginamit sana nang tama ang pera para sa bayan
Baka wala nang umiiyak sa dilim at kawalan
Sa laylayan ng bansa, sila ang laging nauuna
Sa gutom, sa pagod, sa pag-asang lumalayo pa
Hindi sila dapat nauuhaw, hindi dapat naglalakad nang malayo
Kung 'di ninakaw nang tahimik, walang takot, walang hiya
Sana ngayon, bawat baryo, may tubig, may gamutan, may pag-asa
Sana ngayon, walang Pilipinong pinabayaan
Hindi ito awit lang
Ito'y salamin
At sa salaming ito
Makikita natin ang bansang pwede sanang gumaling
Kung minahal lang nang totoo
Written by: Rod Lindreine Calzado Racal
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...