album cover
Muling Pintig
Rock
Muling Pintig was released on January 10, 2026 by DoYourVibe Records as a part of the album SHATTERED CHAPTER
album cover
Release DateJanuary 10, 2026
LabelDoYourVibe Records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM72

Credits

COMPOSITION & LYRICS
Jade Ashley Ku
Jade Ashley Ku
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Divine Ysabelle Victoria Roa
Divine Ysabelle Victoria Roa
Producer

Lyrics

Sa gitna ng mga gabing tahimik
May tibok na ayaw matahimik
Kahit pilit kong isara ang kahapon
May kahapong kumakatok pa rin ngayon
Hindi ako umaasa kung ako pa rin ba
Kung pareho pa ba ang nadarama
Dahil sa bawat takbo ng buhay kong ito
May hinahanap na himig itong loob ko
Kung may muling awit ang dibdib
Alam ko kung kanino ito babalik
Sa bawat ikot ng mundo at oras
Ikaw pa rin ang hanap kong landas
Pag-ibig mo pa rin ang nais kong himig
Sa'yo lamang lalakas ang pintig
Ikaw ang tangi kong pahingahan
Ikaw ang tibok na ayaw kong palitan
Hanggang sa muli't muli kong awit
Ikaw pa rin ang muling pintig
Oh ikaw ikaw pa rin ang muling pintig
Whoah ohhh
May mga sandaling pinili kong huminto
Para ayusin at buohin muli ang ako
Hindi dahil tapos na ang pag-ibig
Kundi dahil gusto kong maging handa ulit
Umiikot ang buhay nagbabago ang lahat
May dumarating may lumilisan agad
Pero sa dulo ng bawat lakad
Pag-ibig mo pa rin ang gustong yakap
Kung muling handa na ang damdamin
Sa'yo lang nito gustong umamin
Sa bawat ikot ng mundo at oras
Ikaw pa rin ang hanap kong landas
Pag-ibig mo pa rin ang nais kong himig
Sa'yo lamang lalakas ang pintig
Ikaw ang tangi kong pahingahan
Ikaw ang tibok na ayaw kong palitan
Hanggang sa muli't muli kong awit
Ikaw pa rin ang muling pintig
Oh ikaw ikaw pa rin ang muling pintig
Whoah ohhh
Kung may araw mang babalik ang tapang
Hindi na takot hindi na kulang
Kung may pag-ibig na haharap sa mundo
Gusto kong buo at ikaw ang kaharap ko
Sa bawat ikot ng mundo at oras
Ikaw pa rin ang hanap kong landas
Pag-ibig mo pa rin ang nais kong himig
Sa'yo lamang lalakas ang pintig
Ikaw ang tangi kong pahingahan
Ikaw ang tibok na ayaw kong palitan
Hanggang sa muli't muli kong awit
Ikaw pa rin ang muling pintig
Oh ikaw ikaw pa rin ang muling pintig
Whoah ohhh
Kung iibig pa ang puso ko
Sa'yo pa rin ang muling tibok nito
Written by: Jade Ashley Ku
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...