album cover
Bente
album cover
Bente was released on September 28, 2015 by Uprising Records Philippines as a part of the album Gatilyo
AlbumGatilyo
September 28, 2015
LabelUprising Records Philippines
BPM97
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Music Video

Music Video

Lyrics

Si Berto ay kabataang kasama
Lumaking katu-katulong ng amang magsasaka
Sa pagpapabunga ng lupang 'di kanila
Sa laki ng upa halos wala nang matira sa kita
Kaya matapos ang pangatlong bagyo
Matapos mamatay kaniyang amang byudo
Pagka't Panginoo'y walang sinasanto
Sa pagbubuwis, siya'y lumayas
Siya'y nagpasiyang lumikas sa Maynila
Pag-aangat ng kabuhayan ang adhika
Handang makipagsapalaran sa syudad
Kung san umano mas may oportunidad
Kaya't isang tahimik na gabi ng Disyembre
Baon ay isang kabang bigas at bente
Siya'y nag-jeep, handa nang maglaboy
Dinukot niya ang bente, ibinayad kay Bhoy
Si Bhoy ay tsuper ng jeep
Nakikipasada lang kaya graveyard shift
Baon sa mataas na boundary at gasolina
Kapag walang mahiram na jeep, wala siyang kita
Kaya ngayong pagkagipit niya ay sumaklap
Pampakain, pampaaral sa walong anak
Pambuhay sa pamilya, pangkotong sa parak
Kaysa raw magnakaw, siya'y bumatak
Siya'y namasada nang dalawang araw
Tuloy-tuloy, walang antok na dumalaw
Sinaid ang lakas ng katawan
Para lang masulit nahiram na sasakyan
Biglang umatake pagod niya sa byahe
Pagsakay ni Berto, agad umabante
Tinanggap ang bayad, paningin ay hazy
Tinitigan ang bente, isinukli kay Baby
Si Baby ay saleslady
High heels, low pay, eight hours daily
Kontraktwal, kada anim na buwan
Mangangaso na naman ng mapapasukan
Ngayon kabuwanan na ng kaniyang kontrata
At ng kaniyang pagdadalang-bata
Wala pa namang katuwang na asawa
Kaya't lumuluha siyang pumara
Siya ay nagtapos ng IT
Pagkakaron ng akmang trabaho pala'y unlikely
Nabuntis nang wala sa plano
Kaya nagtiis sa ibang trabaho
Ngayon pauwi sa may eskinita
Siya'y naglalakad nang biglang hinila
Punyal sa leeg, bantang sasaksakin
Dinukot niya ang bente, isinuko kay Ben
Si Ben ay batang maralita
Tubong komunidad na takda nang magiba
Sa hirap ng buhay 'di nakapag-aral
Sa murang edad siya ay nangalakal
Ngunit nang magkasakit batang kapatid
Ultimo pangkain ay 'di na maitawid
Hindi patas ang buhay, kaniyang nabatid
Kaya't sa patalim, siya'y kumapit
Siya ay nangholdap gabi-gabi
Mabilis ang pera at malaki-laki
Isinusugal ang buhay at kalayaan
Para lang sa kapatid na inaalagaan
Pagkakuha niya sa buntis ng bente
Siya'y tumakbo diretso sa palengke
Bumili ng bigas, humingi ng diskwento
Dinukot niya ang bente, ibinayad kay Berto
Written by: BLKD
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...