album cover
Tuldok
244
Hip-Hop/Rap
Tuldok was released on February 23, 2026 by A-Z as a part of the album Tuldok - Single
album cover
Release DateFebruary 23, 2026
LabelA-Z
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM90

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Apekz
Apekz
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Mark Anthony Parizal Cadiente
Mark Anthony Parizal Cadiente
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Mark Anthony Parizal Cadiente
Mark Anthony Parizal Cadiente
Producer

Lyrics

[Intro]
My life ain't so bad
You drive so fast
To the silence, baby
Don't trip, relax
And we'll be alright
'Til the sunrise
[Verse 1]
Inakyat ko ang mataas na bundok
'Di tumigil kahit mga paa ko mabugbog
Kung kailan nakatungtong sa tuktok
Saka naman nagkaroon ng tuldok
Inakyat ko ang mataas na bundok
'Di tumigil kahit mga paa ko mabugbog
Kung kailan nakatungtong sa tuktok
Saka naman nagkaroon ng tuldok
[Verse 2]
Maraming nag-aabang, maraming nagtatanong
Kailan battle? Miss ka na namin mambaon
Bago ko sagutin kung bakit ba gano'n
Ibalik muna natin sa dating panahon
Estranghero at Ramon, Yawzi at Pajutes
Datu versus Loonie, eto, snappy na salute
Hanggang sa maligaw kay Eminem pati kay Juice
Binge watch ng grind time pagkagaling ko ng school
[Verse 3]
Rekta na ka'gad sa computer shop
Panahong 'di pa uso 'yong Google Maps
Sina-soundtrip 'yong freestyle ni Supernat
Ako'y nahuli ng rap, parang na-booby trap
Hanggang sa mapanood 'yong Cameltoe versus Datu
Brand new, ginanap sa Quantum
Acapella, parang Dumbfoundead versus Tantrum
Tagalog pa kaya 'yong dating ay naging times two
[Verse 4]
Tiningnan ko kung may Facebook sila
Gusto ko na malaman kung meant to be ba
'Di lang na simple na asaran, parang be, bote nga
Inisip lang 'yong legacy may A to Z pa
2010, kalaban ko si Harlem Ty
B-A-T-T-L-E, R-A-P
Komedyante na rapper parang Michael V
Nagapi no'ng unang salang pero ay's lang, G
Ako'y OG, parang Obi-Wan Kenobi
[Verse 5]
Unang TF ko no'n kay Daddy Joe D
500 pesos 'yong inabot kay Toti
Pasimple, low-key, palihim parang shinobi
Unang laban ko, disesyete anyos
No'ng natalo, winning streak na pagkatapos
Pa'no pa 'pag 'yong degree ay nairaos?
Rap ang pinili, pinag-isipan nang maayos
[Verse 6]
Pagbaba ng barko, wala nang doubt
Nilabanan ko ka'gad si Bryan Lao
Imbes na magtiktik-kalawang, mamili ng weak na kalaban
Ang gusto ko peak na agad, bakbakan sa South
Nababad nang husto, lalong pinahusay
Isang dos por dos, tatlong isa buhay
Naihanay ako sa mga tunay
'Yong bata na nag-solo flight do'n sa Malugay
[Verse 7]
Dumaan ang pandemya, handa pa rin gumera
Kaso ba't may hurado na nagpapalitan ng pera?
Nag-iba 'yong sistema, walang tinatalo
'Di na 'ata 'to 'yong liga na kilala ko
Fast forward, 2022
Laban ko kay Sinio, ready, execute
'Yong lugar, sobrang grimy puwede MV shoot
Binuhos ko walang natira maski na residue
[Verse 8]
Dahil sa pustahan, 'yong career ang tinaya ko
Ayoko lang 'yong sining natin parang ginagago
Galit 'yong ibang tao, pero may resibo
Mayro'ng video, garapalan na hindi na tinatago (Yari ka, pati 'yong presidente binangga mo)
Alam kong puwedeng kahinatnan ng ginawa ko
Buti kahit papa'no, mayro'ng pinagbago
At 'di totoo na matagal ko na 'yong pinaplano (Kung mayro'n kang problema, dapat kinausap mo)
[Verse 9]
Malapit na 'yong battle nong nadagdag 'yon sa sulat ko
Ipapaalam ko pa ba 'yon kay Anygma?
Battle emcee din siya, ulo pa ng liga
'Yong pagkatalo raw kay Gorio ay dinadamdam
'Di nakuha kampeyonato na inaasam
Liga ay sinasaktan, 'tang inang pustahan 'yan
Dahil sa utang na loob, hinahayaan lang
[Verse 10]
'Yong pusta, isang milyon alam kong talo na 'ko
Dagdag mo pa gawain no'ng mga hurado
Tensiyonado, emosyon, pressure, halo-halo
Kaya sa entablado, nagmukha 'kong barumbado
Lumipas ang tatlong taon
Siguro nawala na 'yong mga tampo ngayon
Fliptop anniversary, nag-ayang pumunta do'n
Para magpakumbaba at masabi ko 'yong rason
[Verse 11]
Walang driver si Loons kaya 'di nakasabay
Sumama 'ko kay Zaki, sa Grab ay sumakay
Kahit 'di imbitado pumunta, pasaway
Para personal mag-sorry at makipagkamay
Bumili ng sariling alak at ng mangunguya
Para 'di masabi na ang kapal naman ng mukha
Nando'n din lahat ng pasimple na nangungutya
Pero balewala, Gold Label 'yong tinutungga
[Verse 12]
Hinintay ko siya, baka lang na-traffic
Pati si Loons, wala pa ba 'yan naman? Awit
Tinawag ng bantay si Anygma daw nagalit
At ang sabi sa 'kin, pinapaalis ka ni Aric
Ang sabi ko, gano'n ba? 'Di na 'ko nagtanong pa
Sana lang hinarap niya 'ko, gusto ko mangamusta
Kahit 'di na bigyan ng laban ay wala kong paki
Basta matapos 'yong gabi na maayos kami
[Verse 13]
Kaso eto na 'yong ending ni tanga
Pero ang bait ni Kuya Dennis talaga
Ba't ka pa pumunta? Eh, ekis ka na nga
Diyos nga nagpapatawad ay atheist ka pala
Tinanggap ko kahit na masakit
At least, malinaw na 'di na 'ko makakabalik
Namiss ko 'yong yanig, pagod, at stress
'Lam kong maraming sabik kay Battousaipekz
[Verse 14]
But I guess this is the end
'Di na kailangan i-call out sa big event
Hinihiling kasi 'pag bumanat hindi bitin
'Pag FT, alam mong hindi titipirin, kalaban titirisin
Shout out sa mga bago, hindi pabulong
Mindanao, Visayas, pati sa Luzon
Dere-deretso lang, 'wag magningas-kugon
Nauubos na 'yong magaling, mali ako do'n
[Verse 15]
Sa mga tagahanga na nanonood sa akin
Hinugot niyo 'ko sa kumunoy na malalim
'Di ko man matupad na mga bulong sa hangin
Gusto kong malaman niyong kayo bumuo sa akin
Sa buhay natin kailangan ng sakripisyo
Upang marating ang sariling paraiso
Mayro'ng dahilan kung bakit natatalisod
May plano ang Diyos kung bakit ka nandirito
Pasensiya na kahit hilutin ko kapos
Eto na 'yong huling minuto ko, tapos
Salamat, Aric, ang buti mo na boss
Salamat, Fliptop, mi último adiós
[Outro]
My life ain't so bad
You drive so fast
To the silence, baby
Don't trip, relax
And we'll be alright
'Til the sunrise
Written by: Mark Anthony Parizal Cadiente
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...