album cover

MAPA (Wakas At Simula)

2,832Pop2026
album cover
00:00
03:55
00:00
04:10
Past 7 Days
MAPA (Wakas At Simula) was discovered most frequently at around 5 seconds into the song during the past week

Lyrics

[Verse 1]
Mama, kumusta na?
'Di na tayo lagi nagkikita
Miss na kita, sobra
Lagi na lang kami ang nauuna
Ngayon naman ikaw na muna
Akin nang pangamba
[PreChorus]
Dahil ikaw ang aking mata
Sa t'wing mundo'y nag-iiba
Ang dahilan ng aking paghinga
[Chorus]
Kaya 'wag mag-alala
Ipikit ang 'yong mata, tahan na
Pahinga muna, ako nang bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa
Mama, pahinga muna, ako na
La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-la-ta
La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-la-ta
[Verse 2]
Papa, naalala mo pa ba'y
Nung ako ay bata pa, 'di ba?
Aking puso'y 'yong hinanda sa
Mga bagay na buhay ang may dala
Dala ko ang 'yong bawat payo
At hanggang sa dulo, magkalayo man tayo
Ako'y tatayo, pangako, tatay ko
[PreChorus]
Dahil ikaw ang aking paa
Sa t'wing ako'y gagapang na
Ang dahilan ng aking paghinga
[Chorus]
Kaya 'wag mag-alala
Ipikit ang 'yong mata, tahan na
Pahinga muna, ako nang bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa
Papa, pahinga muna, ako na, ooh
La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-la-ta
La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-la-ta
[Bridge]
'Di ko na sasayangin pang mga
Natitirang paghinga
Tutungo na kung sa'n naro'n ang mahalaga, ooh
Kahit na kailan pa ma'y 'di mawawala
'Pagkat dala ko ang mapa
Sa'n man mapunta alam kung sa'n nag mula, ooh
[Chorus]
'Wag mag-alala
Ipikit ang 'yong mata, tahan na
Pahinga muna ako na
[Chorus]
'Wag mag-alala
Ipikit ang 'yong mata, tahan na
Pahinga muna, ako nang bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa
Ma, Pa, pahinga muna, ako na
La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-la-ta
La-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
La-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-la-ta
Ooh
Ma, Pa, oh, mapa
[Outro]
Ma, Pa, pahinga muna, ako na
Written by: PABLO

Shazam Footer

Select language:
Google Play Store
Apple App Store
Chrome Web Store
Galaxy Store

Follow Us

Loading...