album cover
Simula (feat. RyU)
Hip-Hop/Rap
Simula (feat. RyU) was released on March 31, 2026 by JuLyo Records as a part of the album SULYAP
album cover
AlbumSULYAP
Release DateMarch 31, 2026
LabelJuLyo Records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM87

Lyrics

Tahimik ang umaga. hawak ang pangarap
Handang magsimula. kahit di pa kilala
Bitbit ko ang papel na pinaghirapan
Gabi-gabi puyat, pangarap ay nilaban
Sabi nila tapos na ang laban
Pero bakit ngayon, hirap pa rin ang daan
Kompleto ang papeles, maayos ang damit
Lakasan ng loob kahit kaba sa dibdib
Pagpasok sa opisina, ngiti ang sagot
Pero ang tanong nila, paulit-ulit na ikot
Kailangan may experience ka muna
Pero saan magsisimula?
Kung walang tatanggap sa una
Paano ko mapapatunayan na kaya ko na?
Walang experience. pero may pangarap
Handang matuto, handang magsikap
Pinto ay sarado, paulit-ulit
Pero di susuko kahit pagod at gipit
Walang experience. pero may laban
Di man pansinin, patuloy lalaban
Sa mundong mahirap para sa tulad ko
Hahanap pa rin ako ng pagkakataon
Pamasahe lang, halos kapos pa
Pila sa umaga, dala ay pag-asa
Online application, hintay sa tawag
Araw ang lumipas, wala pa ring sagot
Kung walang koneksyon, hirap makapasok
Kahit may sipag, pangalan ang hanap
Sistema'y bulok, paulit-ulit na ikot
Kaya walang asenso, pangarap ay bitin
Sa bahay tanong"May trabaho ka na ba?"
Ngiti ang sagot pero bigat ang dala
Hindi tamad, hindi rin mahina
Kulang lang ng chance para magsimula
Kailangan may experience ka muna
Pero saan magsisimula?
Kung walang tatanggap sa una
Paano ko mapapatunayan na kaya ko na?
Walang experience. pero may pangarap
Handang matuto, handang sikap
Pinto ay sarado, paulit-ulit
Pero di susuko kahit pagod at gipit
Walang experience. pero may laban
Di man pansinin, patuloy lalaban
Sa mundong mahirap para sa tulad ko
Hahanap pa rin ako ng pagkakataon
Hindi diploma lang ang dala ko
Puso at sipag ang puhunan ko
Kung may isang maniwala sa kaya ko
Ibibigay ko ang lahat, buong buo
Walang experience. pero may pangarap
Isang oo lang, sapat na sapat
Darating din ang araw na para sa akin
Ang unang hakbang, simula ng panaginip
Sarado ang pinto. hahanap ng daan
Tuluy-tuloy lang. di ako uurong kailanman
Written by: Julius Christopher Aramburo
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...