Lyrics

Oh-oh, oh, oh, oh Oh-oh, oh, oh, oh Sa gitna ng kagubatan, may ahas na hahalik Tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo Sa gitna ng kaguluhan, may kumukulong bulkan 'Di mapigil ang yabang at sakdal na kasakiman Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya Kung kaya kang paikutin, tiyak paiikutin ka Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog Lumiyab ka Lumiyab Oh-oh, oh, oh, oh Oh-oh, oh, oh, oh Sa gitna ng kadiliman, may buwitreng nagmamasid May magbabato ng putik, ngunit walang mayayanig Iiyak ang mga batang nahulugan ng kendi Lalo na ang mga problema, sa iba sinisisi Sa gitna ng kagubatan, may ahas na hahalik Itinuring mong kaibigan na pinakamatalik Leeg mo'y pupuluputan, dugo mo'y sisipsipin 'Pag wala ka nang pakinabang, ang ending mo ay sa bangin Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog Lumiyab ka Lumiyab, lumiyab Tuwing hating-gabi, maririnig mo ang huni Ng mga kalul'wang naliligaw Lahat ng pera sa mundo, hindi kayang gawing ginto Ang huwad na tao Ang mga tinig, palakas nang palakas Hanggang gumuho ang mga hadlang Ang mga tinig, palakas nang palakas Hanggang gumuho ang mga hadlang Saksi ang langit sa lahat ng naganap Saksi ang langit sa ikalawang yugto Lumiyab ka Lumiyab ka (Sa ngalan ng katotohanan) Lumiyab ka (Sa ngalan ng iyong dangal) (Ang puso at iyong isipan) Lumiyab, lumiyab (Ialay mo sa Maykapal) Lumiyab
Writer(s): Rico Blanco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out