album cover
Gumising
World
Gumising was released on October 27, 2011 by Florante as a part of the album Gumising - Single
album cover
Release DateOctober 27, 2011
LabelFlorante
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM112

Credits

PERFORMING ARTISTS
Florante
Florante
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Florante
Florante
Songwriter

Lyrics

Ang awit na ito'y isang bato-bato sa langit
Ang sino mang tamaan ay huwag sanang magagalit
Bago dumaing at maghanap ng sisisihin
Dapat munang ikaw ay gumising
Gising ka na ba no'ng bago naging isang magulang?
Ang dami ng anak mo ba'y iyong pinagplanuhan?
Naibilang mo ba sila sa iyong kayang buhayin
At kaya ng bulsang pag-aralin?
Gising ka na ba no'ng halos wala kayong makain
At 'di mo mapigilang sa asawa ay sumiping?
Kung apelyido lang ang hangad mong paramihin
Dapat lang na ikaw ay gisingin
Gumising at magtrabaho na
Gumising at magtiyaga ka na
Gumising at magtipid ka na
Gumising at mag-ipon ka na
Katabi ay dapat isama mo
Katabi ay dapat hatakin mo
Katabi ay dapat turuan mo
Tapikin ang isip, gisingin mo
Gising ka na ba no'ng kamuntik nang masagasaan
Ang iyong mga anak na laging nasasa lansangan?
Kung hindi nababantayan at walang susupil
Sino sa iyong tingin ang inutil?
Gising ka na ba no'ng mga nakaraang halalan
At naniwala kang mahahango sa kahirapan?
Kung pangako lamang ang iyong inaasahan
Gising na't nasa 'yo ang katuparan
Gumising at magtrabaho na
Gumising at magtiyaga ka na
Gumising at magtipid ka na
Gumising at mag-ipon ka na
Katabi ay dapat isama mo
Katabi ay dapat hatakin mo
Katabi ay dapat turuan mo
Tapikin ang isip, gisingin mo
Awit na ito'y isang bato-bato sa langit
Ang sino mang tamaan ay huwag sanang magagalit
Bago dumaing at maghanap ng sisisihin
Dapat munang kayo ay gumising
Written by: Florante Deleon
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...