album cover
Upuan
5
Rock
Upuan was released on October 22, 2011 by Florante as a part of the album Upuan - Single
album cover
Release DateOctober 22, 2011
LabelFlorante
LanguageEnglish
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
D
D
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Florante De Leon
Florante De Leon
Songwriter

Lyrics

Nakaupo ako, lumalamon sila
Masasaya itong aking mga kaibigan
Abot-kamay nila ang bunga ng puno
Dahil balikat ko ang ginawang tungtungan
Habang namimitas, lalong natatakam
Sila ay para bang wala nang kabusugan
Kahit alam nilang mayro'ng mga langgam
At ang aking paa ang siyang inuupakan
Nais ko nang magpahinga
Marami na 'kong nagawa at natulungan
Ako'y labis na nag-aalala
Baka ang puno ay tuluyan nang maubusan ng bunga
Nakaupo ako, nagbabantay sila
Ang mga aso ko'y laging maaasahan
Hindi ko lang alam ang binabantayan
Ito bang puno o itong aking upuan?
Itali ko kaya sa bahay ng langgam
Maglilingkod ba o maghahari-harian?
Masasagot lamang ang malaking tanong
Kapag ako ay nawala na nang lubusan
Nais ko nang magpahinga
Marami na 'kong nagawa at natulungan
Ako'y labis na nag-aalala
Baka itong mga aso ay maulol at magwala
Nakaupo ako, naiinggit sila
Silang nais na pumalit sa 'king upuan
Ayokong tumayo sa upuang ito
Kahit ito'y sinusurot at inaanay
Ang upuang ito ay para sa bantay
Ng punong ang ibinubunga'y kayamanan
Nangangamba ako kung uupo sila
Baka ang puno ay lalong mapabayaan
Nais ko nang magpahinga
Marami na 'kong nagawa at natulungan
Ako'y labis na nag-aalala
Marami ang magtutulakan, makuha lang ang aking upuan
Written by: Florante De Leon
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...