album cover
Tangan
album cover
Tangan was released on June 5, 2026 by ABS-CBN Film Productions, Inc. as a part of the album Tangan - Single
June 5, 2026
LabelABS-CBN Film Productions, Inc.
BPM126
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Music Video

Music Video

Lyrics

Pabaling-baling sa hatinggabi
Umaasang antok ay dumalaw
At paulit-ulit, 'di pa rin mapigil mga luha
Sa pagsikat ng araw
Mangangarap na lang sa bituing 'di na makikita
Kay pait ngang isiping naglaho na lang bigla
Di man lang napansin, ako'y nag-iisa na pala
Kumakapit pa sa nadarama na hanggang ngayo'y nariyan pa
Tangan ka pa
Humahadlang yaring puso sa isip na tuluyan ng makalimutan
Ang tamis ng iyong halik
Wari ba'y nasa labi at 'di mahugasan
Oh pangarap na lang na muli tayo ay magkita
Kay pait ngang isiping naglaho na lang bigla
Di man lang napansin, ako'y nag-iisa na pala
Kumakapit pa sa nadarama na hanggang ngayo'y nariyan pa
Tangan ka pa
Hawak ko pa mga oras na ika'y akin pa
Babaunin hanggang pagdating ng kailanman
Kay pait ngang isiping naglaho na lang bigla
Di man lang napansin, ako'y nag-iisa na pala
Kumakapit pa sa nadarama na hanggang ngayo'y nariyan pa
Tangan ka pa
Written by: Kiko "kikx" Salazar
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...