album cover
Duyog
Alternative
Duyog was released on March 25, 2026 by Himig Agila Records as a part of the album Duyog - Single
album cover
Release DateMarch 25, 2026
LabelHimig Agila Records
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM101

Credits

COMPOSITION & LYRICS
Eleazar James Galope
Eleazar James Galope
Lyrics, Composer

Lyrics

Mamaya, alas-siyete
Magkita tayo sa bakanteng lote
Malapit lang naman ang bahay ninyo
Kaya't hihintayin ang pagdating mo
Mamaya, magtatago ang buwan
Sa likod ng ating mundo
Minsan lang ito, kaya samahan mo ako
Hihintayin ang pagdating mo
At sobra akong nagalak
Nang pumayag ka sa anyaya
Makakasama na kita
Sa ilalim ng bilog na buwan
Ating masasaksihan
Mga taong nagkakasiyahan
Ngayong gabi
Ikaw ay nasalubong sa daan
Papunta sa tagpuan ngayon
Walang kaano-ano, bigla mong
Hinawakang mahigpit ang kamay ko
At lalo akong nasabik
Nang sabay na tayong lumakad
Hindi na makapagsalita
Sa ilalim ng bilog na buwan
Ating masasaksihan
Mga taong nangagmamahalan
Ngayong gabi
At dumating na ang hinihintay
Na inaabangan ng lahat
Sa ilalim ng bilog na buwan
Ating masasaksihan
Mga taong nagkakasiyahan
Ngayong gabi
Sa ilalim ng bilog na buwan
Ating mararamdaman
Ating pusong nagkakasiyahan
Ngayong gabi
Written by: Eleazar Galope
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...