album cover
Banayad
Hip-Hop/Rap
Banayad was released on July 9, 2026 by SANPY MUSIC COLLECTIVE as a part of the album Unbound
album cover
AlbumUnbound
Release DateJuly 9, 2026
LabelSANPY MUSIC COLLECTIVE
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM106

Credits

PERFORMING ARTISTS
BustinCoda
BustinCoda
Vocals
Pablo José
Pablo José
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Paul Joseph Umali
Paul Joseph Umali
Songwriter
Austin Bjorn Cadornigara
Austin Bjorn Cadornigara
Songwriter

Lyrics

[Verse 1: BUSTINCODA]
Ilang beses nadapa pilit pa rin bumabangon
Matarik man ang daanan tuluyan inahon
Hanggang sa panahon na din ang kusang aayon
Walang imposible sige tuloy lang ang padayon
Talagang hindi madali
Pero kalmahan mo lang ‘wag ka mag madali
Ilang beses dinatnan ang puso ko na hati
Sa direksyon pupuntahan ikaw mismo maghahatid
Uh uhhh
Minsan ang luha ay gusto ng pumatak
Sa tapat ng salamin kinausap kaharap
Saking ambisyon palagi kong isasagad
Bawat paghihirap balang araw yan ay maging sapat
Sa daming pangarap na gustong abutin
Mga problemang inayos ko lang nang palihim
Kahit pa madalas binabalot ng dilim
Balang araw pangalan kikinang parang bituin uh
Tulad mo tao lang din ako yeah nagkakamali
Madaming oras ang nasayang kaya nga nag babawi
Kung saan may mapapala don lang din ako nag lalagi
Sa sitwasyon ko dati hinding hindi na ‘ko babalik
Kahit ang byahe ay sadyaang malayo
Sa paningin ng iba ang marating ay malabo
Kalmadong pag iisip lang aking ka colabo
Sa pintuang magulong mundo aking sinarado
[Chorus: BUSTINCODA]
Kahit saan man ako mapunta, takbo ko banayad lang
Mataas man ang hagdan patuloy lang sa pag hakbang
Kahit saan man ako mapunta, takbo ko banayad lang
Takbo ko banayad lang, Takbo ko banayad
[Verse 2: PABLO JOSE]
Mabagal ang byahe hindi nauumay, nanatili sa laro
Ang aking pangakong magiging mahusay mas hihigitan yung ako
Yung proseso hindi kadali yan pero kikilusan ‘di mapahinto
Mas pagbubutihan yung kinahiligan ‘gang makatagos sa pinto
Buti ‘di sumuway ako’y nakasabay naging hilig ko din kumanta
Dating pasaway buti lumubay at nanalig ako sa kanya
Matatag na yung dating lampa
Daming sugat ni hindi ininda
Sa pagsubok laging nakahanda
Pinanghawakan sa taas ang punta
Daming suliranin pero lahat tinagos
Nadapa man ako dati pero ‘di pa don tapos
Magdaan taong marami hindi ‘to malalaos
Yung kahirapan na kalaban matagal nang tinuos
[Chorus: BUSTINCODA]
Kahit saan man ako mapunta, takbo ko banayad lang
Mataas man ang hagdan patuloy lang sa pag hakbang
Kahit saan man ako mapunta, takbo ko banayad lang
Takbo ko banayad lang, Takbo ko banayad
[Outro: BUSTINCODA]
Kahit saan man ako mapunta, takbo ko banayad lang
Mataas man ang hagdan patuloy lang sa pag hakbang
Kahit saan man ako mapunta, yeah takbo ko banayad lang
Takbo ko banayad lang
Takbo ko banayad
Written by: Austin Bjorn Cadornigara, Paul Joseph Umali
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...