album cover
Hardin
album cover
Hardin was released on September 11, 2026 by Indie TV as a part of the album Hardin - Single
September 11, 2026
LabelIndie TV
BPM174
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

Ang landas mo ay ligaw na,
Sa kawalan, nanatili ang kaluluwa mo.
Sa pagsapit ng dilim, ganda niya'y tumatalim.
'Wag kang lilingon, mabibihag ka sa kanyang mga tingin.
Ang kanyang sulyap, umaakit sa'yo, payakap.
'Wag na 'wag kang mahuhulog sa bangungot niyang ganap.
Ang bawat sigaw tila ba'y umaalingawngaw,
Sa diwatang gumugiling sa munting salamin.
Lason niya'y nang-aaliw sa paraisong madilim.
Pilitin mong pumiglas sa haplos niyang napakasakim.
Siya ay diwata, munting tinadhana,
Ngunit tila'y ligaw sa mundo niyang pinagpala.
Siya ay diwata, nakagapos ang luha,
Nakapiit sa paraisong 'di makalaya.
Sa madilim na hardin, liwanag ay patay-sindi.
Iba't iba ang ilaw, baliw na sigaw, 'di na makubli.
Nakakapit sa patalim ang mga palad na ligawin.
Pakpak niya'y lumilipad sa mababang himpapawid.
Paraisong tinirhan ko ay payapa na hardin,
Ngunit nag-iiba lahat pag sumasapit ang gabi.
Sa ganda ng tanawin, may sekretong palihim
Na may nakatagong mga pangil sa'king bawat pagngiti.
Noong dati sa tunay na pag-ibig ako'y uhaw,
At sa isang iglap, nag-iba aking pananaw.
Mula noong ako'y masaktan, hindi ko masigaw
Na ako noon, 'yung dating rosas, ngayon ay damong ligaw.
Ako'y nalulungkot, puwede mo ba akong samahan?
Handa ka bang 'yung oras mo sa akin masayang?
Halika at punan natin ang iyong kalungkutan.
Pag tayo na'y magkapantay, abot mo na ang kalangitan.
Siya ay diwata, munting tinadhana,
Ngunit tila'y ligaw sa mundo niyang pinagpala.
Siya ay diwata, nakagapos ang luha,
Nakapiit sa paraisong 'di makalaya.
Sa madilim na hardin, liwanag ay patay-sindi.
Iba't iba ang ilaw, baliw na sigaw, 'di na makubli.
Nakakapit sa patalim ang mga palad na ligawin.
Pakpak niya'y lumilipad sa mababang himpapawid...
Bakit 'di makatakas sa maduming lupa?
Binubulag ng salaping itinataya.
Bakit 'di makalaya, katawan mong dinaya?
Nalulunod sa mga luho niyang kita.
Bakit tila ligaw na yapak mong tinahak?
Silaw sa bawat kamay niyang hawak.
Bakit hindi makabitaw tulad mong tanglaw?
Pag sikat ng araw, hindi ka na tanaw.
(Hindi ka na tanaw)
Hindi ka na tanaw.
(Hindi ka na tanaw)
Unti-unting nasisira ang tunay mong ganda
Sa munting hardin, presensya mo ay pansamantala.
Unti-unting nasisira ang tunay mong ganda
Sa munting hardin, presensya mo ay pansamantala.
Presensya mo'y pansamantala.
Pansamantala.
Pansamantala.
Pansamantala.
Hey
Written by: Set Suna

Loading...