album cover
Bampira
album cover
Bampira was released on September 9, 2026 by fitterkarma as a part of the album kung tayo’y nasa isang horror na pelikula, tiyak ako ang una mong papatayin
BPM72
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

[Verse 1]
Ang saya kung bampira lang tayo
Nang habambuhay, ika'y kasama ko
Tulad ng pag-ibig ko sa 'yo
Walang kamatayan kung ihahatid sa 'yo
[Verse 2]
Lalakbayin natin ang mundo
Pati ibang planeta kung mabitin man tayo
Papaslangin ang mga kaaway mo
Sa tuwing mangailangan ka
Ng kakainin mong dugo
[Chorus]
'Di man kayanin ang araw
Ikaw naman liwanag ko
Kung kalabanin ng mundo
Ako naman kasama mo
Ako'y susulat tungkol sa 'yo
Mula sa paghinga
Hanggang sa pagtulog mo
Ang saya sana kung bampira lang tayo
[Verse 3]
Magsawa man sa itsura ko
Huwag naman sana, ito lang ang kaya ko
Biro lang, alam mo naman ako
Minsan maingay lang talaga ang isip ko
Woah-ooh-ooh, woah-ooh-ooh-ooh-ooh
[Chorus]
'Di man kayanin ang araw
Ikaw naman liwanag ko
Kung kalabanin ng mundo
Ako naman kasama mo
Ako'y susulat tungkol sa 'yo
Mula sa paghinga
Hanggang sa pagtulog mo
Ang saya sana
[Chorus]
Kung wala nang dulong matatanaw
Kahit sa’n man magtungo
Lalayasan ang mundo
Kung isahan nila tayo
Ikaw lang aawitan ko
Kahit pa tumanda't
Mawala na ang boses ko
Ang saya sana kung bampira lang tayo
Kung bampira lang tayo
Kung bampira lang tayo, woah-ooh-ooh-ooh-ooh
[Outro]
Ang dami pang gustong sabihin sa 'yo
'Di lang sapat ang buhay kong ito
Kaya ang saya kung bampira lang tayo
Nang 'di matapos ang kwento nating 'to
Written by: Joao De Leon
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...