album cover
Panaginip
album cover
Panaginip was released on August 31, 2026 by REPLIKA as a part of the album Panaginip - Single
August 31, 2026
LabelREPLIKA
BPM69
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Music Video

Music Video

Lyrics

Mayro'n akong isang magandang panaginip
At sana'y dumating
Isang umaga na wala nang mga problema
Ang paligid ay kay sigla
Walang pangambang nadarama at paglabas mo sa kalsada
Ay ngiti ang 'yong makikita sa bawat mukha
Darating din ang araw, sisikat din ang umaga
Ngingiti rin ang langit, maghihilom ang mga sakit
Hangga't ating mga paa'y patuloy na nakasayad sa lupa
Mayro'n akong isang magandang panaginip
At sana'y maganap
Isang bukas na lubos ang pag-asa
Ang mundo ay mapayapa
Bawat bansa'y may pag-unawa't mawawala ang poot at galit
Mananaig sa puso at isip ang pag-ibig
Darating din ang araw, sisikat din ang umaga
Ngingiti rin ang langit, maghihilom ang mga sakit
Hangga't ating mga paa'y patuloy na nakasayad sa lupa
At paglabas mo sa kalsada
Ay ngiti ang 'yong makikita
Mawawala'ng poot at galit
Mananaig sa puso at isip ang pag-ibig
Darating din ang araw, sisikat din ang umaga
Ngingiti rin ang langit, maghihilom ang mga sakit
Darating din ang araw, sisikat din ang umaga
Ngingiti rin ang langit, mawawala'ng poot at galit
Darating din ang araw, sisikat din ang umaga
Ngingiti rin ang langit, mananaig ang pag-ibig
Hangga't ating mga paa'y patuloy na nakasayad sa lupa
Written by: Noel Cabangon
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...