album cover
Salanta
album cover
Salanta was released on September 18, 2026 by ABS-CBN Film Productions, Inc. as a part of the album Salanta - Single
September 18, 2026
LabelABS-CBN Film Productions, Inc.
BPM70
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Music Video

Music Video

Lyrics

Tangayin mo ko sa unos ng yong damdamin
Liparin na palutang lutang lang sa hangin
Kidlat ang mga titig mong kay lalim
Sindak ng dampi mo, ako'y alipin
Delubyo na handa kong tanggapin
 
Lunurin mo ako sa agos ng iyong pagmamahal
Bumaha man ng lungkot, ang sagot sa 'king dasal
Ang puso mong bagyo, ay silungan na panatag
Tangan-tangan ang liwanag
At wala akong ligtas
Sa panganib na banta
sa pag-ibig mong hindi nalalanta
At mas iibigin kong MASALANTA
 
Umaagos ang lambing, kapag kayakap
Umaapaw ang init, tinupok mong ganap
Lindol ng yong halik, natitigatig
Gumuho ang pusong nasasabik
Sakunang ginupo ng yong pag-ibig
 
Lunurin mo ako sa agos ng iyong pagmamahal
Bumaha man ng lungkot, ang sagot sa 'king dasal
Ang puso mong bagyo, ay silungan na panatag
Tangan-tangan ang liwanag
At wala akong ligtas
Sa panganib na banta
sa pag-ibig mong hindi nalalanta
At mas iibigin kong MASALANTA
 
Bawat haplos, nauupos, nanginginig
lumalagos, tumatagos, nayayanig
Yaring pinid kong daigdig
 
Lunurin mo ako sa agos ng iyong pagmamahal
Bumaha man ng lungkot, ang sagot sa 'king dasal
Ang puso mong bagyo, ay silungan na panatag
Tangan-tangan ang liwanag
At wala akong ligtas
Sa panganib na banta
sa pag-ibig mong hindi nalalanta
At mas iibigin kong MASALANTA
Written by: Gary Granada, Soc Villanueva

Loading...