album cover
Orasan
album cover
Orasan was released on October 16, 2026 by Sony Music Entertainment as a part of the album Orasan - Single
October 16, 2026
LabelSony Music Entertainment
BPM
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

[Verse 1]
Rinig ang 'yong tawa
Mga mata'y naluluha-luha pa
'Di titigil hanggang
Ang tiyan mo'y sumakit na
Simpleng banat ko
Lakas ng hampas mo
Sa braso ko
[Verse 2]
Tamis ng 'yong ngiti
Lungkot ay napapawi
Napapawi
Sa bawat sandali
Minsa'y 'di ko mawaring
Ang swerte-swerte ko
Sa lawak ng mundo'y
Pinagtagpo
[Verse 3]
Ako'y may aaminin
Nang ikaw ay dumating
Sa yugtong 'to
Mas minahal pa ang sarili
Nung sinambit mong
Kelangan mo 'ko lagi
Lahat ng mga tanong
Na bumubulabog sa aking isip
Yakap mo ang sumagip
[Bridge]
Ikaw ang sukdulan
Ikaw ang hantungan
Ikaw ang, ikaw ang aking dahilan
Ikaw ang sagot kung ba't ko sinubukang
Lahat ay harapin
[Verse 4]
Minsan ay may takot din
Sa mga bumabagabag sa atin
Tiyak ang mga suliranin
Ipaglalaban kong ikaw ay akin
Ito ang huling hiling
Huwag masyado matulin ang panahon
Kulang ang daang taon
[Verse 5]
Pungay ng 'yong mata
Inaantok ka na
Himlay sa akin
Huwag mong pansinin
Ang orasan
Written by: Ben Joseph Dellosa, Kobe Andrei Dionela, Tothapi, Vince Dominic Dionela

Loading...