album cover
Ngayon
album cover
Ngayon was released on October 2, 2026 by ABS-CBN Film Productions, Inc. as a part of the album DYLAN - EP
October 2, 2026
LabelABS-CBN Film Productions, Inc.
BPM84
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Music Video

Music Video

Lyrics

Tahimik ang gabi, dahan-dahan ang oras
Parang pinili tayong hintayin ng mundo
Hindi na kailangan ng mahabang usapan
Magkatabi lang tayo, kumpleto na ako
Hindi kailangan ng paliwanag, wala na akong tanong
Basta't nandito ka, sapat na sa 'kin yon
 
Dito lang muna tayo
Sa kung anong meron ngayon
Hindi man natin alam ang meron bukas
Basta't nandito ka
Kasama ko ngayon
Dito lang muna tayo
Hawakan at yakapin mo ako
Sa akin sapat na
Ang kasama ka ngayon
 
Kung may bigat ka na nadarama
Sabihin mo lang
Hindi ako aalis, laging makikinig sa yo
 
Parang pinili tayong hintayin ng mundo
Di magmamadali
Basta magkasama tayo
Dito lang muna tayo
Sa kung anong meron ngayon
Hindi man natin alam ang meron bukas
Basta't nandito ka
Kasama ko ngayon
Dito lang muna tayo
Hawakan at yakapin mo ako
Sa akin sapat na
Ang kasama ka ngayon
Written by: Trisha Denise
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...