album cover
Halata Naman
album cover
Halata Naman was released on October 2, 2026 by ABS-CBN Film Productions, Inc. as a part of the album DYLAN - EP
October 2, 2026
LabelABS-CBN Film Productions, Inc.
BPM74
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Music Video

Music Video

Lyrics

Iniwas ang tingin nung Ika'y dumaan
Kunwari ay busy, may tinitingnan
Pero ang totoo, bilang bawat hakbang
Mula sa kanto hanggang sa aking harapan
Sabi ko sa sarili, " Galingan mo naman"
'Wag kang manginginig, wag kang mag-aalinlangan
 
Pero bakit ganun? 'Di maitago sa mukha
Namumula ang pisngi, pag kinausap mong bigla
Ang tibok ng dibdib, dinig hanggang labas
Ang depensa ko, unti-unting kumukupas
Masyado bang halata?
Na sa bawat ngiti mo, ako'y tulala
Oo, aaminin ko na...halata naman na, di ba?
Halata naman na
Halata naman na
Halata naman na
Halata naman na
O Halata naman na
 
Sinubukan kong ibahin ang usapan
Mula sa paboritong kanta hanggang sa ulan
Pero bawat salita, pabalik sa iyong ngalan
Parang magnet ang dila, ayaw kang bitawan
Yung mga sulyap ko na akala ko'y tago
Huli sa akto, 'di na mababago
 
Pero bakit ganun? 'Di maitago sa mukha
Namumula ang pisngi, pag kinausap mong bigla
Ang tibok ng dibdib, dinig hanggang labas
Ang depensa ko, unti-unting kumukupas
 
Masyado bang halata?
Na sa bawat tawa mo, ako'y tulala
Oo, aaminin ko na...halata naman na, di ba?
Halata naman na
Halata naman na
Halata naman na
Halata naman na
O Halata naman na
 
Halata na...
Sa pag-antay sa dulo ng bawat kwento mo
Hindi na kailangang sabihin pa
Kasi...Halata naman na
Written by: Dennis Campañer
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...