album cover
Pasasalamat
album cover
Pasasalamat was released on November 7, 2026 by Guddhist Gunatita as a part of the album Pasasalamat - Single
ReleasedNovember 7, 2026
LabelGuddhist Gunatita
BPM85
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Music Video

Music Video

Lyrics

[Chorus]
Pasasalamat sa lahat ng bagay
Pinapangarap ko ay mapapasa 'kin
'Di hahayaan na walang mapuntahan
'Yokong makulong sa aking nakaraan, mm
[Verse 1]
'Di akalaing makakapanik
Batang ako, panigurado na kinikilig
Dating ako sa 'king magulang 'di nakikinig
Ngayon tinatangkilik, tinig nakabibilib
Sinong mag-aakalang dito ako dadalhin
Ng kamalayan kong pinagkaitan
Ko dati ng kaliwanagan at kapayapaan
Ganun pa man, wala naman akong pinagsisihan
Inayos ko lahat ng nagawa kong kamalian
Tinanggap ko na 'di lahat ng bagay madalian
Mong makukuha sa mundong puro panandalian
Sikapin mong maging mabuting tao, kaibigan
Mag-iwan ka ng alaala'ng 'di malilimutan
Sa puso ng bawat isa
Mananatili ang busilak mo na nagawa
'Wag mo munang isipin kung anong mapapala
Basta't gawin mo lang kung sa'n ka mas sumasaya
[Chorus]
Pasasalamat sa lahat ng bagay
Pinapangarap ko ay mapapasa 'kin
'Di hahayaan na walang mapuntahan
'Yokong makulong sa aking nakaraan, mm
[Verse 2]
'Di akalaing makakabalik
Dating ako muntik, muntikan na ding masawi
Pasensya na sa mga nagawan ko ng mali
Mga panahong 'di ko rin alam ang gagawin
Buti na lang merong kaibigan na nandyan pa rin
Sa mga 'di ako tinalikuran
Nung mga panahong punong-puno ng kalungkutan
Asahan niyong kasama kayo sa kasalukuyan
Ko at hinaharap kong bukas na kasaganahan
Salamat sa mga nagsilbi ko na salamin
Pangaral niyo hanggang ngayon dala-dala pa rin
Alam ko na marami pa 'kong dapat alamin
Malayo pa, pero alam kong malayo na rin
[Verse 3]
'Di mawawala pagmamahal ko sa ginagawa
At kahit ang dami ko nang napala 'di pa rin pwede na tumulala
Galing sa wala, 'di tinigilan hanggang makapa
'Di akalaing may mapapala, daming nagbago parang himala
[Chorus]
Pasasalamat sa lahat ng bagay
Pinapangarap ko ay mapapasa 'kin
'Di hahayaan na walang mapuntahan
'Yokong makulong sa aking nakaraan, mm
[Chorus]
Pasasalamat sa lahat ng bagay
Pinapangarap ko ay mapapasa 'kin
'Di hahayaan na walang mapuntahan
'Yokong makulong sa aking nakaraan, mm
Written by: Guddhist Gunatita, Baby Blood

Loading...