Lyrics

Whoo Yeah, yeah, yeah, yeah Whoo Whoa, whoa, whoa Makinig ka sa'kin sandali ng malaman mo kung anong Nais sabihin, gusto kitang ligawan Kaso 'di ko alam kung pano uumpisahan Kasi baka naman ako mapahiya 'pag minadali Ang mga balak kong pambobola sayo baka lang masawi Handa na ang banda, sa may bandang bintana Kahit walang gitara tuloy sa pagharana Ako ay bibirit, walang sisingit, habang hawak ko ay mikropono Kung 'di mo ko marinig at 'di ka bimilib iangat mo ang telepono Ako'y nasa linya makinig ka sa'kin bago ibaba nais magpakilala Ako pala si Abaddon isang tunay na pinagpala Dahil nakita ko na, ang sagot saking mga katanungan Higit pa sa 'di ko batid ang 'yong taglay na kagandahan Para bang isang diwata, ikaw ang kulang saking talata Ikaw ang salita na 'di ko matipa sa bawat tugma ng kabanata Animo ay anghel, isa kang liwanag sa landas na madilim Iyong binalik sa may pastulan ang naligaw na tupang itim Pagkat ikaw, walang iba Ang siyang nagbibigay sa akin ng sigla At kahit na alam ko na Para bang langit, 'di ko maisip kung sa panong paraan Malalapitan at mapadama ang pagmamahal kong ito Sana'y malaman mo, malaman mo Pagsuyo kong ito ay totoo Aabutin kita langit at lupa man ating pagitan Gagawan ng liham kahit sulat ko'y may kapangitan Ang pag-ibig ko'y ihahatid sa'yo parang balita Sana'y makarating, mapansin at iyong makita Isipin mo man na ako ay nambobola Mundo natin ay gawing makulay na parang krayola Iwan na ang lahat sa puso mo ako ang nauna Ang buong pagkatao at puso ko'y sayong sayo na Kaya't tayo na sa inyong bahay ako ay aakyat ng ligaw Alam kong batid mo na pero ang gusto ko'y malinaw Gusto ko ay legal, 'di sa kanto tayo magkikita Kung sa tingin mo ay masama ang intensyon ko, mali ka Malinis ang aking hangarin, parang sariwang hangin Kung ako ay papalarin na ika'y mapasa akin ay Lahat ng 'yong magustuhan ay aking sasakyan Walang daing na maririnig, hinding hindi ka masasaktan Pagkat ikaw, walang iba Ang siyang nagbibigay sa akin ng sigla At kahit na alam ko na Para bang langit, 'di ko maisip kung sa panong paraan Malalapitan at mapadama ang pagmamahal kong ito Sana'y malaman mo, malaman mo Pagsuyo kong ito ay totoo Ang pag-ibig kong ito'y hindi mapaliwanag ng mga letra Tayo ay tinadhana parang si Adan at Eva Ang sayang nadarama ay walang katumbas na eksena Mahal mo rin ako, kailan kaya maririnig ng tenga Sagutin mo sana ng oo at 'di iling Bago pa 'ko kiligin, pagbigyan mong aking hiling Pwede ko bang mahawakan ang iyong mga kamay Isuot mo ang singsing na 'sing nipis ng dingding Pero sa may gitna ay may'rong bling Alay ko sa'yo, tanda ng pagmamahal Ikaw ang aking lakas, sa'yo lang magpapakasal Kung hindi rin lang ikaw ayoko nang umibig pa Ikaw ang nais makapareha habang humihinga Paalam na, 'di na kita kukulitin pa sa harap ng 'yong tindahan 'Di na kita kakausapin 'pag tayo'y nasa tambayan 'Di na kita muling titignan, 'di naman kita kasintahan Gusto ko kasal agad, kita tayo sa simbahan Pagkat ikaw, walang iba Ang siyang nagbibigay sa akin ng sigla At kahit na alam ko na Para bang langit, 'di ko maisip kung sa panong paraan Malalapitan at mapadama ang pagmamahal kong ito Sana'y malaman mo, malaman mo Pagsuyo kong ito ay totoo Wooo, woa, woa Pagsuyo ko sa'yo ay totoo Pagkat ikaw, walang iba Ang siyang nagbibigay sa akin ng sigla At kahit na alam ko na Para bang langit, 'di ko maisip kung sa panong paraan Malalapitan at mapadama ang pagmamahal kong ito Sana'y malaman mo, malaman mo Pagsuyo kong ito ay totoo Woah, woo
Writer(s): Venzon Malubay Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out