album cover
album cover
Maleta adlı parça {albumName} albümünün bir parçası olarak Vincent De Jesus tarafından 1 Haziran 2017 tarihinde yayınlandıChanging Partners
1 Haziran 2017
FirmaVincent De Jesus
BPM55
Melodiklik
Akustiklik
Valence
Dans Edilebilirlik
Enerji

Müzik Videosu

Müzik Videosu

Şarkı sözleri

Sa gwardiya'y naibilin na kita
Alas singko y media ay darating ka
Ang mga maleta ay nasa likod ng pintuan
Kunin mo lang ang sa 'yo
Alam mo naman siguro kung ano ang sa 'yo
Huwag mong galawin ang sa akin
Iwan mo ang mga binigay mo sa 'kin
Iwan mo lang sa unan ang amoy ng 'yong pagtataksil, akin 'yan
Iwan mo lang ang pangakong dinurog ng puso mong suwail
At sa iyong pag-alis, isasabit ko sa dingding
Ang mga alaala ng maamong mukha ng pag-ibig mong sinungaling
'Di ko binalak na ika'y saktan
Ang nangyari'y nangyari na
Mabuti na rin na nalaman mo
Dahil 'di ko kayang aminin
Maniwala ka, inibig din kita (inibig din kita)
Hindi lang pumantay sa pag-ibig mo
Hindi lang umabot sa inaasahan mo
Iwan mo ang susi sa tokador
Isara ang pinto at huwag nang lilingon
Huwag mong piliting lumuha, baka 'di mo kaya
Mabigat ang maletang dala mo
'Yan ang kabaong ng pag-ibig na pinatay mo
Sana ay kaya mong buhatin
Habang-buhay mo 'yang bubuhatin
Tandaan mong maigi ang amoy ng 'yong pagtataksil
(Habang buhay n'yang isusumbat ito)
Bitbitin mo ang pangakong dinurog ng puso mong suwail (tatanggapin ko)
At sa iyong pag-alis, isasabit ko sa dingding
Ang mga alaala ng maamong mukha ng pag-ibig mong sinungaling
At kung magkita man tayong muli
Huwag mo akong babatiin
Huwag mo akong babatiin
Written by: Vincent A. De Jesus
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...