Müzik Videosu
Müzik Videosu
Krediler
PERFORMING ARTISTS
I Belong to the Zoo
Vocals
Herald Josh Melchizedek P. Balaccua
Cello
Ivar Nicholas I. Fojas
Guitar
COMPOSITION & LYRICS
Kulas Basilonia
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Caio Cadiz
Producer
Marlon Barnuevo
Producer
Thyro Alfaro
Producer
Şarkı sözleri
Lakad niya'y tila pag-agos galing sa bulkan
Tinig at ngiti niya ay dalangin nino man
Sa dahan ng pag-ikot ay dahan-dahan kong naramdaman
Ako ay ako lang, 'di siya magiging akin kailanman
Busilak ang pusong kay lapit sa maralita
Kita sa kanyang tindig, dinig sa salita
Perlas ng Silanganan at ang sansinukob ay siya ang hirang
Ako ay ako lang, 'di siya magiging akin kailanman
Ako'y maghihintay sa pag-uwi mo't pagkaway
Parada ng ngiti mo't nakamit na tagumpay
Habang watawat ay aking winawagayway
Paulit-ulit sa isip ko ay
Ako'y maghihintay sa pag-uwi mo't pagkaway
Parada ng ngiti mo't nakamit na tagumpay
Habang watawat ay aking winawagayway
Paulit-ulit sa isip ko ay
Pagtingi'y 'di babalik, ako'y nahihibang
Guhit sa ulap ay naglalaho ang kinang
Pinagpapasalamat at pinagpapasalangit ko na lang
Ako ay ako lang, buong mundo'y siya ang hirang
Sa panaginip man, 'di siya magiging akin kailanman
Written by: Kulas Basilonia

