Krediler
PERFORMING ARTISTS
Tiny Montana
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Patrick Joseph J. Ables
Songwriter
Chester Lalinjaman Romo
Songwriter
Şarkı sözleri
[Intro]
Isa lang naman ang dahilan
Bakit kailangan kitang layuan
Tamang pag-ibig sa maling tadhana
Sa pagtahan 'di magkakasala, sa'yo yan
Ako man 'di nalilito
[Verse 1]
Pang telenovela ang pagkakaukit ng tema
Halika't balikan natin ang kwento
Pilit tuldukan ang kapalaran, nakakahanga
Lang hiyang kupido sumablay pa sa pagpana, daming nagambala
Baon na natin sa limot ang alaala, pahiram ng pala
Gusto ko mang pagpatuloy ang biyaheng 'to kaso kailangang pumara
Skrrrt, skrrrt
[Chorus]
Lumipad, lumipad, lumipad
Palayo sa'yo
Gusto ko pigilan nang pag-ikot ng aking mundo
Humakbang, humakbang, humakbang
Palayo sa'yo
Pero sa'king paglipad gusto kong ikaw kasama ko, ooh
Lumipad, lumipad, lumipad
Palayo sa'yo
Gusto ko pigilan nang pag-ikot ng ating mundo
Humakbang, humakbang, humakbang
Palayo sa'yo
Pero sa'king paglipad gusto kong ikaw kasama ko, ooh
[Verse 2]
Nalilito ang isip at puso'y nagtatalo
Hindi malaman kung sino nga bang dapat manalo
Sa kanan ang tama hinihigop ng kaliwa't kamalian
Ang kamalayan ko, hindi alam sino bang dapat panigan
Alam kong may hangganan ang lahat ng mga bagay, bagay dito
Alam ko rin na kasalanan 'to mahihinto kahit na 'di mo
[Verse 3]
Gusto, ayaw o kahit pigilan mo
Hindi lahat ng 'yong gusto ay makukuha mo, dahil
Ang mundo'y madaya sa hiling at panalangin ng mga katulad natin
Sila'y mga pinanganak lang yata para kaluluwa ko'y usigin
Oh, sige, sige, ako nang makasalanan
Kayo na ang mga perpekto't mga dapat na paniwalaan
[Verse 4]
Ang gusto ko lang naman gawin, lumipad sa langit kasama siya
Pero bakit tila lahat ng taong nakatingin sa'min ay mapanghusga
Dilat ang mga mata ko pero animo'y walang nakikita
Ramdam ko buong paligid pero mistulang manhid sa presensya
[Verse 5]
Hindi ko alam, anong gagawin kung susugal ba o hihinto?
Pero sa tuwing ako'y hahakbang ng dalawang beses palayo
Ay sampung beses din ang hakbang ko palapit sa'yo
Sampung beses akong hahakbang at babalik sa'yo
[PreChorus]
Gusto ko lang, gusto ko lang
Ako ang nagmamaneho pero pareho tayong pasahero, kaya, ooh
Gusto ko magpagpapatuloy ang biyaheng 'to kaso kailangang pumara
Skrrrt, skrrrt
[Chorus]
Lumipad, lumipad, lumipad
Palayo sa'yo
Gusto ko pigilan nang pag-ikot ng aking mundo
Humakbang, humakbang, humakbang
Palayo sa'yo
Pero sa'king paglipad gusto kong ikaw kasama ko, ooh
Lumipad, lumipad, lumipad
Palayo sa'yo
Gusto ko pigilan nang pag-ikot ng ating mundo
Humakbang, humakbang, humakbang
Palayo sa'yo
Pero sa'king paglipad gusto kong ikaw kasama ko, ooh
[Verse 6]
Gusto kong ihinto na din lagi kong tuliro
Pero sa kabilang banda ayokong matapos 'tong libro
Bakit ko ba kailangan na isakripisyo?
Ang kaligayahan ko para sa kaliligaya niyo, ah
[Verse 7]
Wala naman kayong alam kung pano nagsimula ang istorya namin
Kung panong ang dating paglipad lang sa ibaba ay biglang lumalim
Kami ay biktima lamang ng maling panahon maling pagkakataon
At natuluyang nadarang kami sa init saming tumugon
Kaya napaso, nasugatan, nasaktan pagkasunog din ang patutunguhan
[Verse 8]
Pero ayos lang kami wala kaming pakialam
Ang mahalaga sa'min makarating sa mundong kami lamang ang may alam
Ano ang gagawin mo 'pag nagkapalit tayo ng sitwasyon
Tutuloy ka ba sa paghakbang kahit alam mong
Ang byaheng ito'y walang destinasyon?
Oh, papagapos na lang sa kadena ng reyalidad
At tuluyang itatapon ang mga bagay, bagay na kayang abutin ng 'yung kapasidad
[Verse 9]
Malamang oo sumuko ka sa gitna ng labanan ay tumirik ka
Ako lulusong tataya kahit natalo sa bangkero ako ay hihirit pa
Simula palang ng gyera alam na namin pareha na kaming dalawa'y mga talo na
Pero ang mahalaga natikman namin ang isa't isa
[PreChorus]
Gusto ko lang, gusto ko lang
Ako ang nagmamaneho pero pareho tayong pasahero, kaya, ooh
Gusto ko magpapagpatuloy ang biyaheng 'to kaso kailangang pumara
Skrrrt, skrrrt
[Chorus]
Lumipad, lumipad, lumipad
Palayo sa'yo
Gusto ko pigilan nang pag-ikot ng aking mundo
Humakbang, humakbang, humakbang
Palayo sa'yo
Pero sa'king paglipad gusto kong ikaw kasama ko, ooh
Lumipad, lumipad, lumipad
Palayo sa'yo
Gusto ko pigilan nang pag-ikot ng ating mundo
Humakbang, humakbang, humakbang
Palayo sa'yo
Pero sa'king paglipad gusto kong ikaw kasama ko, ooh
[Outro]
Next friday
Written by: Chester Lalinjaman Romo, Patrick Joseph J. Ables

