album cover
Thump
Hip-Hop/Rap
Thump adlı parça {albumName} albümünün bir parçası olarak Agrwd tarafından 9 Eylül 2024 tarihinde yayınlandıSubuki Mixtape - EP
album cover
Çıkış Tarihi9 Eylül 2024
FirmaAgrwd
Melodiklik
Akustiklik
Valence
Dans Edilebilirlik
Enerji
BPM84

Müzik Videosu

Müzik Videosu

Krediler

PERFORMING ARTISTS
Agrwd
Agrwd
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Yohan Palis
Yohan Palis
Lyrics, Composer
Francis Dave Quimora
Francis Dave Quimora
Lyrics, Composer
James Pole Odvina
James Pole Odvina
Lyrics, Composer
Kent Mallari
Kent Mallari
Lyrics, Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Stick
Stick
Producer

Şarkı sözleri

Paspasan ang panahon, ang oras ay pumapatak
Nakakarindi ang tunog, nilalamon na ang ngayon
Isa lang aming tugon
Lakasan ang kalabog, lakasan ang kalabog
Paspasan ang panahon, ang oras ay pumapatak
Nakakarindi ang tunog, nilalamon na ang ngayon
Isa lang aming tugon
Lakasan ang kalabog, lakasan ang kalabog
Rinig mo sa yabag namin
Diin sa bawat paglapit
Timbang ng aming hangarin
Kukunin ang sa amin
Di titigil sa paghawi
Mapagpalayang awit
Hinahasa pa ang karit
Para sugatan ang hangin
Damhin mo ang tunog
Alay sa mga unang nag-alay na ng dugo
Para sa'yong sa luha at asin nakalubog
Bawat nalintikan ng pagkait nitong mundo
Kalikha ko sa paggawa ko ng kulog
Di mapigil
Lakasan ang kalabog
Kitilin at wakasan ang mga hambog
Bitbitin ang sarili kapiling ang sanlaksang magigiting
Kabahagi sa hangarin at bawat pag-abot
Tumatakbo nang mabilis ang panahon
Kahit hingal sa paghabol hindi parin kinakapos
Malalim ang hinga ng aking kada pag buga
Para rinig mo ang bayo kahit saang dako ka pa
Paabutin ang tunog mula Timog hanggang Hilaga
Saksihan mong kuminang ang mga ginto ng Calamba na
Malabong mag paaagos sa hampas ng mga alon
Talento ang nagsilbing sandata sa buhay na puno ng hamon
Kahit hirap umahon palaging may tugon
Paglaruan man ng pabago-bagong panahon
Mapag-iwanan man ng kasabayan ko noon
Mananatiling mabigat kada yabag at kalabog nitong tunog
Paspasan ang panahon, ang oras ay pumapatak
Nakakarindi ang tunog, nilalamon na ang ngayon
Isa lang aming tugon
Lakasan ang kalabog, lakasan ang kalabog
Paspasan ang panahon, ang oras ay pumapatak
Nakakarindi ang tunog, nilalamon na ang ngayon
Isa lang aming tugon
Lakasan ang kalabog, lakasan ang kalabog
Panahong 'to'y pabago-bago bago pa 'to matanggap
Iba't ibang klaseng tunog, pili lang din ang tatatak
Melodiyang inaangkat, sapat ba kung pabago-bago
Ngunit di rin matanggap
Paulit-ulit
Kakahilo
Lakasan ang kalabog
Daming gustong makatungtong
Walang katapusang bugtong
Anong landas matutunton
Tila palyadong makina mga tengang nakaabang
Kung ano na lang yung uso, yun na lang pakikinggan
Hindi tanaw
Uhaw pa rin sa pagkatuto
Sigaw nang sigaw mga ligaw na pagkatao
Di rin klaro kung proseso'y di mo kayang hakbangan
Mamamali ka ng daan kung di mo matutunghayan
Kaya gawa
Makabagong panahon at makabago ang tunog
Isinalin yung luma kung sa'n tumatakbo sa utak
Nag-aalab ang diwa, pag-ibig ko'y di tumitila
Mapayapang pag-iisip, pagmamahal ang ginamit
Magaan umabante
Wag ka lang na magagalit
Emosyon, kontrolin
Bago pa ito sumapit
Mas piniling gumawa ng paraan bago makuha
Nadapa at lumuluha
Mas lalo lang ding tumibay
Sinusulit lang yung buhay bago mapunta sa hukay
Kayamanan aming ingay kung tawagin
Kung mabigat man ang iyong damdamin, palayain
Sa gustong marating, di mo na pwedeng basagin
Mga tropa, pagpalain yan
Dito sa daigdig na dikdik ng duda
Panay ligalig, laging pagkalula
Di madadaig katapat na kalampag
Lakad lang matatag sapagkat
Paspasan ang panahon, ang oras ay pumapatak
Nakakarindi ang tunog, nilalamon na ang ngayon
Isa lang aming tugon
Lakasan ang kalabog, lakasan ang kalabog
Paspasan ang panahon, ang oras ay pumapatak
Nakakarindi ang tunog, nilalamon na ang ngayon
Isa lang aming tugon
Lakasan ang kalabog, lakasan ang kalabog
Written by: Francis Dave Quimora, James Pole Odvina, Kent Mallari, Yohan Palis
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...