Lyrics

At tinangay ka na ng hangin Papalayo sa akin Wala nang iisipin Kahibangan ko'y natapos din Nasanay na akong magulo ang mundo Nasanay na akong malayo sayo Wala na kahit pa maganda mong alaalang nakakapit Aalisin ko na rin ang larawan mong nakasabit At tinangay na rin ng usok Naglaho na at may tuldok Di na makakapasok Tapos na ako sa pagsubok Alam ko nang may tama ang mali Alam ko nang ang sobra'y may sukli Dahil ang isang katulad mo'y liwanag na marikit At ako ang gamu-gamu na sa iyo'y napalapit Akala ko'y langit Bakit ang init Lagi na lang nag aakala Dahil sa pagtitiwala Akala ko'y langit Bakit ang init Huli man daw ang pagsisisi May umaga naman pagtapos ng gabi At tinangay na rin ng usok Naglaho na at may tuldok Di na makakapasok Tapos na ako sa pagsubok Alam ko nang may tama ang mali Alam ko nang ang sobra'y may sukli Dahil ang isang katulad mo'y liwanag na marikit At ako ang gamu-gamu na sa iyo'y napalapit At tinangay ka na ng hangin Papalayo sa akin
Writer(s): Manuel Palomo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out