Music Video
Music Video
Credits
PERFORMING ARTISTS
Parokya Ni Edgar
Performer
Francis M
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Gloc-9
Songwriter
Chito Miranda
Songwriter
Francis Magalona
Songwriter
Lyrics
[Intro]
Nandito na si Chito, si Chito Miranda
Nandito na si Kiko, si Francis Magalona
Nandito na si Glock-9 wala siyang apelyido
Magbabagsakan dito, in five, four, three, two
[Chorus]
Nandito na si Chito, si Chito Miranda
Nandito rin si Kiko, si Francis Magalona
Nandito rin si Glock-9 wala siyang apelyido
Magbabagsakan dito, mauuna si Chito
[Verse 1]
'Di ko alam kung ba't ako kasama dito
Sama, sama sa mga pasabog nila Kiko at ni Glock
Astig, patinigan ng bibig
Teka muna, teka lang, painom muna ng tubig
Shift sa segunda bago pa matumba
Dapat makaisip ka ng rhyme na maganda
At madulas ang pagbigkas
At astig, baka sakaling marinig ng libo, libo na Pilipinong
Nakikinig sa mga pabibo ko
'Di ka ba nagugulat sa mga naganap?
'Di ko din alam kung ba't ako sikat
Para bang panaginip na pinilit makamit
Talagang sinusulit ang pagiging makulit
Kailangang galingan hindi na kayang tapatan
Ang tugtugan ng Parokya at ang aming samahan
Shit, pa'no 'to, wala na 'kong masabi
Ngunit kailangang gumalaw ng mga labi kong ito
Kunyari, nagbabaka sakali na magaling din ako kaya ako nasali
[Chorus]
Natapos na si Chito, si Chito Miranda
Nandito na si Kiko, si Francis Magalona
Nandito rin si Glock-9 wala siyang apelyido
Magbabagsakan dito, babanat na si Kiko
[Verse 2]
It ain't an UZI or Ingram, triggers on the maximum
Not a 45 or 44 Magnum and it ain't even a 357
Nor 12' gauge, but the mouth so listen
Nandito na si Kiko at kasama ko si Chito at si Glock-9
And it's time to rock rhyme
'Di ko mapigilan, lumabas ang mga salita sa aking bibig
Hindi padadaig ang bunganga, hala, tumunganga
Lahat napapahanga sa talento ako'y taga Kalentong
Batang Mandaluyong na ngayon nakatira sa Antipolo
Sumasaklolo sa mga hip-hop
Pwede karirin o pwede rin trip lang
Si Glock, kasama ng Parokya
Parang bulagaan at kailangang 'di mabokya
'Di mo na kailangan pang malaman kung bakit pa
Kaming lahat ay nagsama, sama
Mic check, eto na, nagsanib na ang pwersa
Francis Magalona, Glock-9, at ang Parokya
One, two, three, four, let's volt in
[Chorus]
Natapos na si Chito, si Chito Miranda
Tapos na rin si Kiko, si Francis Magalona
Nandito na si Glock-9 wala siyang apelyido
Magbabagsakan dito kailangan nang mag-ingat
At ang huling bagsakan, si Glock-9 ang babanat
[Verse 3]
Bato, bato sa langit ang tamaa'y 'wag magalit
Bawal ang nakasimangot, baka lalo kang pumangit
Pero okay lang hindi naman kami mga suplado
Sumabay ka sa'min na parang naka eroplano
Sa tunog ng gitara kasama ng pinakamalupit na banda
Pati si Kiko magaling, hindi pa rin kayang tapatan
Parang awit na lagi mong binabalik, balikan
Stop, rewind, and play mo
Napakasaya na para bang birthday ko
Alam mo na siguro'ng ibig kong sabihin
Hindi na kailangan pang paikot, ikutin baka lalong matagalan lang
Lumapit at makinig para 'yong maintindihan
Mga salitang sinulat na hindi ko papelan
Pero pwedeng ilatag na parang banig na higaan
'Pag hinawakan ang mikropono parang nabubuwang
Teka, 'di naman siguro
Ganyan lang kapag gumagawa kami ng bago
Medyo nabibilisan, 'di mo naisip na pwedeng mangyari
Magkasama, sama lahat ay kasali, ge
[Outro]
Ngayon lang narinig 'di na 'to madadaig
Nagsama, sama sa bagsakan at naging isang bibig
Mag ingat, ingat ka nga at baka masindak
Sapagka't andito na si Chito, at si Kiko, at si Glock
Written by: Chito Miranda, Francis Magalona, Gloc-9