Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Loonie peroramas
Loonie peroramas
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Loonie peroramas
Loonie peroramas
Songwriter

Lyrics

Apekz May isang manunula Galing sa dilaw, puti, asul, pula Makamandag kapag dumudura Punong puno na yung mga pumupuna Wag puro kuda Pag nakatutok tyak matututo ka Kayang tumugma kahit natutulog pa Bawat rima siksik sa pulbura Kada may ibabagsak parang bomba Naglalaman ng nuklear yung nukleo at mga kromosoma Parang oso na nakalunok ng coca Aral na parang meron toga Alam ko kung kapos o sobra o kung san babagsak yung bola Markang iniiwan ay may bilang kaya di lang puro salita Meron pang aral na di mo mapupulot sa iba Unipormeng pinaglumaan upuan na sinulatan Pag-aralan para di bulag saking kinamulatan Para malaman mo na yung mga labi mo'y bagay sa talampakan ko Puno ng kumpyansa kaya ang mukha ko lalong kumapal Di lang kinabisado talagang aral kaya tumagal Ron Henley Baon ko'y mga letrang pang eskrima Gamit ang de kahoy na pluma ng sinaunang eskriba Inukit ng kanang kamay ni shiva Tagapaghatid ng mga pangmesiyas na propesiya Isa-isang inupuan, mga gawaing-bahay Ramdam ko na hanggang sa batok ko, nakakangalay Wala mang agarang gantimpala, makikibagay Sampung libong oras ang sinadyang pagsasanay Di lang to basta mairaos Hakbang kelangang isaayos Eto na yung napiling sapatos Mula edad disi sais anyos Langoy hangga't di humahangos Sa pagsagwan, hindi natatapos Bakasakaling makagawa ng dalawang alon sa iisang agos Garantisadong may basbas ng Maykapal Sinamahan ko ng kilos ang gramo gramong dasal Pataas lang ang buga parang bunganga ng taal Di lang basta praktisado, talagang aral Abra Kilalang hibang klase ang superego, Sigmund siko-analitiko Puwersa ko mala-Enki, subersibo, Anunnaking siyentipiko Tungkulin kusilbahin ang sining gamit retorika't diyalektiko Kahit sarili ko lang ang kausap ko, anumang lalim ay sisid ko Palabirong ito, napakapilyo, dating lagi lang happy-go- Lucky 'to hangga't sa mommy ko, matigok, buhay nahinto Naging rocky road Mapait na matamis, na 'di mo maintindihan, ba't nangyayari 'to Anumang mangyari mangyayari 'to, kaya sulitin ang oras habang narito Saksi ko si Asherah, inang kalikasan ang power up Kasikatan ang handicap, katibayan ang magic lamp Ba't pinanganak? matik rap, natural, pati acting chops Choppy flow niyo tunog Charlie Chaps Habang godly flow 'to kumbaga Great Flood Mula pa sa Tusita, bumisita saglit bilang turista Ilang ulit na, naulila, sa mundong puro oportunista Masokista na Budista, gabayan pati mga manunuligsa Marunong gumitna, talagang aral May pagka-Da Vinci pa kung puminta (brraa) Loonie Minani ko ang Mensa exam, mala Nikola Tesla Pag inunat ang utak kayang palibutan ang Edsa Mga obra maestrang parang ipinasok sa selda Habang reclusion perpetua na ang hinarap kong sentensya Singhaba ng dinaanan ko hinanda kong pasensya Michelangelo Buonarroti nung tinatapos ang Pietà Bawat piraso ng letra mala Picasso ang pyesa Pag ganyan kataas ang halaga, malamang di ganong mabenta Pero di ko habol ang pera, preparado sa giyera Kabisado ang laro parang beteranong atleta Kilalang tigabago ng meta, delikado ka repa Magpasalamat ka nakulong ako at Nakapagpahinga nung pandemya Biglang nag iba yung eksena Daming mga batang umentra Tanda ko na yata punyeta Dinaan ko na sa eksperyensya Napakatagal naming sinaliksik ang sistema Talagang aral kahit ibahin pa ang eskwela
Writer(s): Loonie Peroramas Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out