Lyrics

Sa mundong mapanghusga, mapangmata, at mapanuri Dapat hindi ka basta-basta nagpapaapekto sa mga paninirang puri Lalong-lalo na kung galing lamang sa mga mahihinang uri Sabi sa 'kin ni Bathala, "Matapang ka pala" Pusong leon kaya dibdib mo ay walang mga daga Alam mo bang mga pangarap mo ay pansamantala lamang Samantalang ang kapalaran ay sa mga tala nakatala? Kaya pala parang tamad na mag-aaral, walang kadala-dala Walang pang baon, pero kahapon pa ako handa Maglakad sa gubat kahit na takot sa palaka Inakyat ang kabundukan at maghapong naggala Inabutan ng dilim, muntikan na 'kong mawala Sa sarili ko, 'pag gapang ko, wala 'kong makapa Nasa dulo na pala ng bangin, wala nang kawala Tumalon na lang kaya ako, kakayanin ko kaya? Kaya ako'y napadasal, sabay salto padapa "Bahala na si Batman," 'yan ang saktong kataga 'Tsaka na 'ko gagawa ng mga pakpak ko pababa Tinanggap ang bawat hamon ng mundo Lumaban, nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko Andami talagang nais manira ng pangalan Ngunit karamihan ay takot tumira ng harapan 'Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban Ngingitian ko na lamang at (yayakapin ko) Kahit ga'no kapait ng naranasan Masakit na nakaraang hindi ko matakasan Walang awang tadhana ay tatawanan Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay (yayakapin ko) Sabi sa 'kin ni santanas "Mayabang ka pala" "Tuturuan kita kung paano magpakumbaba" "'Di ka na maiisasalba ng mga kanta mong gawa" "Pa'no mo tutubusin ang kaluluwang matagal nang nakasangla?" "Binaba ang dangal at nagpakahangal, para lang ikaw ay mahalin ng madla" "At biniyayaan ng katanyagan, kaso lang halata na hindi ka handa" "Kaluluwa kapalit kasikatan, 'yan ang usapang nakatakda" "Sa kontratang 'to na may pangalan mo na nakalagda" Teka lang, 'wag ka pakasigurado, 'di mo pa ako pag-aari Dahil ang titulo ng kaluluwa ko'y nasa akin At ang kasunduan natin ay puro lamang usapang hangin Kasi autograph ang nilagda ko sa kontrata At handa akong tahakin ang mahabang landas pabalik Balewala ang pagod at sakit, basta pag-uwi, yakap at halik Ng aking asawang malupit at dalawang anak kong makulit Para sa kanilang kapakanan, gagawin ko lahat, anuman kapalit Tinanggap ang bawat hamon ng mundo Lumaban, nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko, oh Ano man ang hangarin sa akin ng langit, kakayanin ko, oh Sugatan man ng malalim, tagos sa damdamin ay tila balewala Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait (tila balewala) Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit (tila balewala) Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik (tila balewala) Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit Dinuduro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik Tinanggap ang walang kwentang mga hamon Para bilhin si Loonie, binenta ko si Marlon Matalo man ngayon, bukas ang pwersa ko'y babangon Pangako, mas malakas pa ng triple kaysa sa kahapon At kung putapete ang kadebate, pare, 'di bale na lang Walang pakialam, miski hirangin pinakamayabang At kahit maraming kalaban na balak sirain ang aking pangalan ay balewala Kasi wala naman akong pekeng imaheng inaalagaan kaya Tinanggap ang bawat hamon ng mundo Lumaban, nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko, oh Ano man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko, oh Sugatan man ng malalim, tagos sa damdamin ay tila balewala Andami talagang nais manira ng pangalan Ngunit karamihan ay takot tumira nang harapan 'Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban Ngingitian ko na lamang at (balewala) Kahit gaano kapait nang naranasan Masakit na nakaraang hindi ko matakasan Walang awang tadhana ay tatawanan Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay (ay, ay, ay, ay) Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait (balewala) Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit (balewala) Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik (balewala) Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit Dinuduro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik
Writer(s): Marlon Peroramas, Lester Paul Vano Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out