制作
歌词
Nang kita ay makilala
Napatulo ang laway ko
Binti ko ay nangatog
Ako'y sumemplang at nauntog
Ewan ko, ano bang meron ka't
Kikay na 'to'y napaamo mo?
Nabihag mo ang puso kong pihikan
Agad na-in love sa'yo
Ikaw ba ay isang droga at naaadik ako?
Isang kindat mo lang, mapapa-tumbling na ako
Tinamaan na ako
Walang hiya ka, Kupido
Nasira'ng schedule ko
Putris na kabaliwang ito
Lumalaki na'ng eyebags ko
'Di makatulog dahil sa'yo
Nagmumukhang zombie na ako
'Di mapakali, ano ba ito?
Sana lang mapapansin mo rin
Ang kagandahan kong ito
Hirap na kasi ang lola mo
Nabaliw na ata sa kapapantasya sa'yo
Daig mo pa si Pacman, napatumba ako
Isang sulyap mo lang, natotorete na ang utak ko
Tinamaan na ako
Walang hiya ka, Kupido
Nasira'ng schedule ko
Putris na kabaliwang ito
Tinamaan na ako
Walang hiya ka, Kupido
Nasira'ng schedule ko
Putris na kabaliwan
Tinamaan ako (My papa)
Pansinin mo ako (Oh, sana)
Oras ko'y iyong-iyo (Kaloka)
Sabihin mo lang sa akin na mahal mo ako
Ililibre ko ang tropa mo
Tinamaan na ako
Walang hiya ka, Kupido
Nasira'ng schedule ko
Putris na kabaliwang ito
Tinamaan mo ako
Hiling ko, Mr. Kupido
Panain mo rin siya
Nang pagnasaan niya rin ako
(La-la-la, la-la, la)
Hiling ko, Mr. Kupido
(La-la-la, la-la, la)
(La-la-la, la-la, la)
Hiling ko, Mr. Kupido
(La-la-la, la-la, la)
Written by: Geraldine Lim