歌词
Bakit nga ba ganito
Ang inaasal mo?
Inisip lamang ang sarili
Hindi kabutihan ng marami
Pagod na pagod na ako
Sa mga kalokohan mo
Daan-daan ang rest house mo
Kinayod mo sa dugo ko
Ang dapat na pangalan mo
Switek, switek, switek
'Yan ang gawain mo
Switek, switek, switek
Europe, U.S., Singapore
Lahat ng ito'y napuntahan mo
Sarap naman ng buhay mo
Ang wetpu mo'y naglaho!
Lahat ng luho'y nasa 'yo na
'Di ka pa rin makaisa
Simba ka nang simba
Wala ka pa ring kwenta!
Ang dapat na pangalan mo
Switek, switek, switek
'Yan ang gawain mo
Switek, switek, switek
Ang dapat na pangalan mo
Switek, switek, switek
'Yan ang gawain mo
Switek, switek, switek
Switek
Switek
Switek
Switek...
Written by: Robert Javier