制作
出演艺人
juan karlos
声乐
作曲和作词
Jaydee Gungon
作曲
Evelyn Seale
作曲
Muriel Anne Jamito
作曲
制作和工程
Francis Guevarra
制作人
歌词
Umalis ka na pala
Iniwan mo akong nag-iisa
Lahat nama'y tila ba maayos mula sa umpisa
Masaya ang bawat sandaling kasama kita
Ngunit biglang isang umaga, paggising ko'y wala ka na
Naglaho kang parang bula, hindi alam kung bakit lumisan ka
Nag-isip ng malalim kung anong nangyari sa'tin
Nababahala, baka 'di ka na bumalik sa aking piling
Dahil ikaw ang siyang kailangan ko
Magpakailan pa man, asahan mong pag-ibig ko'y
'Di magbabago, pinapangakong
Maghihintay sa'yo
Napatulala
Inaalala ang ating nakaraan
Binabalik-balikan ang dating tagpuan baka sakaling naro'n ka't
Naghihintay, nalulumbay
Kasabay ng pagbuhos ng ulan, pagpatak ng luha'y hindi mapigilan
Kailan kaya kita muling masisilayan
Dahil ikaw ang siyang kailangan ko
Magpakailan pa man, asahan mong pag-ibig ko'y
'Di magbabago, pinapangakong
Maghihintay sa'yo
At sandaling tumigil ang mundo ng malaman ko ang totoo
Na hindi ka na babalik sa piling ko
Dahil ikaw ang siyang kailangan ko
Magpakailan pa man, asahan mong pag-ibig ko'y
'Di magbabago, pinapangakong
Maghihintay sa'yo
Written by: Evelyn Seale, Jaydee Gungon, Muriel Anne Jamito