歌词

Bars (wala, wala, wala, wala, wala) Multi (wala, wala, wala, wala) Wordplay (wala, wala, wala, wala, wala) Metaphor (wala, wala, wala, wala) Autotune (wala, wala, wala, wala) Ex B (baduy, baduy, baduy, baduy, baduy) Jejemon (FLIP-D on the beat, aruy, aruy, aruy, aruy) Ngayon pa lang magpapaumanhin na 'ko Kasi baka ulo niyo masira ko Maninipa ako ng mga nagsabing mahina ako Makinig kayo, bihira 'to Madalas na marinig, sa kanta napakilig Kasi malikot ang diwa ko Iba 'yung pinapakita ko Para 'di nila makita na may tira ako 'Di nakita niyo, madulas ang dila ko Kaya pagka pumitik klaro Kung usapang linya naman ay mabisa Kaya gusto nila na makabisado 'Di man ako magaling kumanta Pero hindi 'to pipiyok kasi nagtisa ako 'Pag ako sumargo, kalat, sigurado Kahit lapis lamang ang gawing tako Buti na nga lang nakangiti pa 'ko Kahit ang dami na nilang mga ngiting aso Inaasinta ako, kaso 'di sila asintado Kaya 'di ako apektado Iba mag-isip kasi laking kanto Papatol lang 'ko kapag kikita ako Kaya minsan lang na maging gago 'Pag 'yung kabaliwan ko binisita 'ko Kung usapang multi, mabuti na lang Naparito ka, halika 'papakita ko Dami ko kasing itinabing bago Kung susumahin, siguro 60 sako Tsaka balita ko, galing sa bibig niyo Madali 'ka mo, oh sige, gawin nga 'to 'Pag hindi niyo nagawa ay para niyo na ring inaming 'Di niyo kaya na itumba ako (bars) Nasa top na mga flip, hindi marunong magdamit Inuuna 'yung salawal sa brief Lahat galing-galingan at baliw-baliwan Para mapansin ulit 'pag 'di na sila click Mga barbero na hindi marunong maggupit Dinadaan na sa kulit para masabing malupit Pare-pareho na 'yung trip, para sa'n na 'yung barang masakit? Bibilib lang ako 'pag nailapat niyo sa beat Madaming magagalit diyan Pero bago makalapit, matik 'yan punit-punit Teka nagagalit 'yan, walang avid fan At wala ring fans sa piso-net Kitang-kita lang naman 'yung difference sa kanila 'Pag kami gumawa hindi pilit Ta's kung sino pa 'yung mga silhouette Nagpapanggap na matigas pero galawang impotent Pero 'yung mga legit, nakakasama ko sa pic Kasi nakakasama ko sila sa gig At 'yung mga naiinggit, hindi sila makadikit Kasi hindi nila maamin na nabibilib Kaso halata na kid, mga galaw na weak Hinding-hindi kayo masasagip Sa makatuwid, may pag-asa lang sila makatawid 'Pag 'yung pangalan ay kung saan-saan ikakabit Ganito dumikdik, siksik, mabigat sa dibdib Alam kong hindi niyo 'to inexpect Inakala niyong gawa ng Intsek Kaya wala kayong ideyang ganito kalintik Kahit na sa mga liblib Kumakalat ang pangalan namin na binitbit Habang 'yung mga gumigitgit ay nakakalat Kaya minsan parang ang sarap nila iligpit Puro parinig, 'kala niyo 'di ko naririnig Madalas kasi hindi na lang ako umiimik Matagal na panahon ko nang gustong mangalabit Kaso iniisip ko, may bata na nakikinig 'Pag ako nagpaulan ng bara ay hindi pilit, unlimited Kahit 'yung bawat titik ay hindi tinitipid Nagdidikit-dikit, ngayon mag-iisip ka Kung bakit ganito ako mag-isip, hindi nagigipit At kahit na nakapikit, nakadilat, o tirik man mata Wala ka ng masisilip na incorrect Isipin mo na lang kung pano ko sinet Tahi-tahi 'yung salita, parang napunit ang damit Ito na 'yung katotohanang masakit na no'ng kami umentra 'Yung mga bida ay naging ekstra Nagmukha silang napag-iwanan na ng petsa Eto 'yung ebidensya, laki ng diperensya
Writer(s): Flow G Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out