制作
出演艺人
Brenan Espartinez
领唱
Asop
表演者
作曲和作词
Maddonna Rosas
词曲作者
Pau Ortiz
词曲作者
制作和工程
BMPI Inc
制作人
歌词
Dilim na tila'y 'di lilipas
Parang humihinto ang oras
At nariyan na naman
Ang sakit 'di maiwasan
Pilit ko mang kalimutan
Sa anino ay sunod-sunuran
O hanggang kailan
Alipin sa nakaraan
Ngunit nang ika'y aking tanggapin
Ako'y tuluyan mong naangkin
Panginoon naririto
Wagas na pag-ibig ang alay ko 'di magmamaliw hanggang wakas
Ang aking pagsuyo ay 'di na 'di na lilipas
Sa iyo ngayon ay umaasa
Ang lagi kong inaalala
Pangako mong tapat
Sa langit nakasulat
Ang samo at pinapangarap
Manatili sa iyong paglingap
Hanggang walang hanggan at magpakailanman
Ama kamay ko'y abutin
Nang tahanan mo'y aking marating
Panginoon naririto
Wagas na pag-ibig ang alay ko 'di magmamaliw hanggang wakas
Ang aking pagsuyo ay 'di na 'di na lilipas
Bulong ng puso'y dinggin
At tibok nito ay iyong damhin
Ang laging sinisigaw
Papuri na umaapaw
Panginoon naririto
Wagas na pag-ibig ang alay ko 'di magmamaliw hanggang wakas
Ang aking pagsuyo ay 'di na 'di na lilipas
Panginoon naririto
Wagas na pag-ibig ang alay ko 'di magmamaliw hanggang wakas (oh)
Ang aking pagsuyo ay 'di na 'di na lilipas
O Ama ko ito ang alay ko
Written by: Maddonna Rosas, Pau Ortiz