制作
出演艺人
Mike Kosa
表演者
作曲和作词
Mike Kosa
词曲作者
歌词
Tirik ang araw, nakalinya, siksikang nakapila
Tumutok ang pangalan sa roleta't makilala
Sa daming kumikinang, marami pa rin ang iilang
Yamang 'di pa nakikita na parang Yamashita
Iba't ibang pakara, kanya-kanyang mga padama
May mahusay, may pera, may tiyaga, at nakatsamba
Pati pato ang gusto, kahit may pamanggulo
Kung sugal ay unahan sa tuktok ng triyanggulo
Industriya'ng kinamulatan nating tila paligsahan
Kanino tatapat ang ilaw dito sa gitna?
Aral na 'di kaagad pumasok sa ulong may katigasan
Umabot na sa puntong magpalitan ng tingga
Mga ihing nagtaasan, mga kuwentong paangasan
Nangyari 'tong lahat sa nilakaran kong daanan
Alam mo na 'di kailangan magbungguan, magbanggaan
Kung tayo-tayo din ang magkikita sa hangganan
Kaya bakit ba (oh) tayo'y hindi susunod sa tadhana?
Halika na't kumapit ka (halika na), tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika, isa lang ang dadaanan (isa lang ang dadaanan)
Isa lang ang dadaanan nating tulay
Iba't ibang himig, minsan negosyo, minsan ay hilig
May mga bunga ng galit at may dahil sa pag-ibig
Maraming nagsisitsitan, sa daming nagsisiksikan
Sa pila, nagsisingitan, sa puwesto, nagkikiskisan
Kampo-kampo, bukod-bukod, lahat may saksak sa likod
'Pag bago, para bang obligadong maging tagasunod
Lahat may pang-ambag, lahat puro gigil
Kada may dadagdag, mayro'ng naniningil
Nakikiuso lang 'pag bago, laos na 'pag naluma
Mababaw 'pag sumikat, 'pag malalim 'di makuha
Ng kamulatang pasa-pasa
Dekada na'ng sistema sa industriya at sa kultura
Sama-sama sa isang tulay habang naglalaglagan
Kapayapaan ang sinisigaw habang nagbabanggan
Tayo-tayo, 'di na magbabago, 'lika, sumama ka
Buksan ang isip na sarado sa pagkakaisa
Kaya bakit ba (oh) tayo'y hindi susunod sa tadhana?
Halika na't kumapit ka (halika na), tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika, isa lang ang dadaanan (isa lang ang dadaanan)
Isa lang ang dadaanan nating tulay
Hatakan tayo paakyat, hangga't sa umangat
Hanggang ang ating musika ay tangkilikin ng lahat
Akayin ang mga luma, gabayan ang mga bago
Bawas nega, bawat kilos dapat laging positibo
Sakripisyo, tiyaga, at hirap, pagsusumikap
Ang mangarap, ang hakbang sa katuparan ng pangarap
Alam ko na alam nyo rin, na kaya natin 'tong gawin
Sa ngalan ng kultura, sama-sama natin tawirin
Kaya bakit ba (oh) tayo'y hindi susunod sa tadhana?
Halika na't kumapit ka (halika na), tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika, isa lang ang dadaanan (isa lang ang dadaanan)
Isa lang ang dadaanan nating tulay
Kaya bakit ba (oh) tayo'y hindi susunod sa tadhana?
Halika na't kumapit ka (halika na), tayo din naman ang magkakasama
Sa industriya ng musika, isa lang ang dadaanan (isa lang ang dadaanan)
Isa lang ang dadaanan nating tulay
Written by: Mike Kosa