歌词
Disyisyeteng taon na sa game
Since 2002 na kung bumubuga ng flame
Malapit nako sa dalawang dekada
Pumapalo pa rin na mala-Texas sa tupada
Tagalog 'to na 'kala mo alak na Alfonso
Hiphop na ako, panahon pa ni Ildefonso
Dati'y pangalan ko'y 'sing liit ng munggo
Ngayon naririnig na 'ko saan mang sulok ng mundo
Maangas daw kasi wala 'ko sa 'Pinas
'O, wala ako d'yan kaya kayo nag-aangas
Sapaw sila kaya sila binabanas
Sa pagpasok ng dragon, binago ko ang palabas
Ang mga letrang sintalas ng lanseta
Ako'y kontrabidang bida mala-Vegetta
Habang tumatagal ang dami nang inggit
Kung 'di n'yo kaya angas ko, aanhin n'yo ang inyong lupit?
Ang dami ko nang iniisip
Subukan mong pumasok dito at sumilip
'Di ka pwedeng sumabay sa alon kung di ka sumisisid
Mahirap magyabang boy, nag-iiba ang ihip
Wala 'kong ga'nong oras para sa mga nanghihila pababa
Alam n'yo na
Kung ikaw ang nasa pwesto ko ngayon, hindi ka uubra
Kung puro hate at galit ang mauuna
Kaya pare, ano na?
Hanggang saan ba yang plano?
Hanggang Biyernes lang ba yan o baka hanggang Sabado?
'Wag mo ibabase pakinabang sa pagtrato mo
Ang boring mag-lakbay 'pag wala ka nang kasama, bro
'Pag wala ka nang kasama, bro
Subukan mo sarili lang ang iyong higitan
Kung wala pa din bilib, pare, ewan ko na lang
Nambibigla ang pagkakataon, dapat mahuli mo
Likers na lang ang dating mga bully ko
Tagumpay ay makita ang sarili ko nakasakay sa unicorn
Walang sagabal nag-aaral na walang uniform
Tibok ng puso hiphop, mahalin ang newborn
Kung bastusan, do'n na lang sa YouPorn
Pamana naman ng Dickies at Ben Davies n'yong suot noon
Pero kung yung pants
Remembrance from the past, keep it
Respect, G, meron ako no'n
Tsaka 'di naman aircon ang sagot sa init ng panahon
Alam ko mainit, hinawakan ko pa rin
Walang mangyayari kung wala kang gagawin
Tumingin, tanawin ang salamin, basta nand'yan lang
'Wag mo na 'kong tanungin
Blessings papunta, ingat pauwi
Na-convert ko na sa piso ang aking bawat letra
Bida, kontrabida na ang dati lang na extra
Aking bawat plano ay mabusising tinarya
Kaya bawat hakbangin ay masusing nagmarka
Dekada ang binilang ko sa liriko na bilanggo
Noon pa ma'y laging bangko
Sanayan lang sa pagtungo
Yung walang apir laging singit sa upo
Umaasa balang araw, aking silid mapuno
Pero ngayon nagbago, umikot na ang roleta
Pinapatugtog na'ko do'n sa club hanggang bangketa
Pangita ng pruweba
Na kami'y bumenta mula gitnang eskuwela, umapoy na sa eksena
Watchlist ng hip-hop-an ayun, dito na-tokhang
High value target na 'ko at most wanted sa daan
Kung kontra ka timang, mga hater na hibang
Uulitin ko na lang classic love nambubuang
Ipinagpaliban ang mga nakasanayan
Mas lalo pang nag-init, imbis ako'y panghinaan
Lalo pang hinusayan, mas lalo pang ginanahan
Sarili ko lang aking pinaka naging kalaban
Pinagkamalang baliw dahil iba mag-isip
Sa iba'y naging aliw, bilang lang ang bumilib
'Di naman siguro kasalanang maging despera
Sapat nang maging mahirap para to'y mainspira
Marami na akong pwedeng i-dahilan
Siguro ay higit kumulang sa isang daan
Pero mas pinili ko pa ring hanapin yung isa
Isang rason ng bagong paraan
Walang safe, alam mo na kanino?
Pilipinong may mentalidad ng Tsino
Laking kalye na may diskarteng marino
Young King, alam mo naman na sino
Siniksik ang mga bara sa mga pulbura ng bala
Pag labas tagos sa tenga mo at mga antipara
Sa lapad ng mukha sing titibay nitong kirara
Kahit gumamit ngpanulat, 'di maisulat sa pisara
Mga bagong salta, akala mo umasta
Pwetan n'yo nando'n sa sulok at doon makasta
Ako ang boses ni Mayores dito'ng taga tusta
Pang walong bilang pa lang 'to, 'kala mo tapos na?
Gunggong, mala-Daniel Iskultor 'to 'pag umuka
Madali kang makapitan kung may sintomas ng hika
Sa klase ng iskemang ginamit ay bibihira mo nang marinig
Sa katayuang musikang inaalila
Lagyan ng mabisang anghang ng bagong recipe
Para 'pag kinain, sarap, parang pamutat
Ang daming uma-acting d'yan like Freddie Mercury
Character ang kayabangang 'di maawat
Kadalasan na hinihiram, 'di na bumabalik
Nilamon ng katamaran, sinamantala ang bait
Lumalagpas na parang hangin na lang dating kadikit
Kita mo katotohanan kahit pa nakapikit
Inakalang kalayaan, 'yun pala, naka piit
Hinayaang kasalanan s'yang nag dulot ng sakit
Pinalaya kasintahan kahit pa na masakit
Nakapulot ng aral sa pangyayaring mapait
Mga gumugulong tanong, patuloy na bumubulong
'Di nakadalo tugon, tila ba nakakulong
Sobrang init mga hirit, 'kala mo nasa pugon
Dugo't pawis ang puhunan ng tagisan pa-sulong
Ebidensyang mistulang piluka
Walang kunsensya, halang ang bituka
May ilang inosenteng nagdusa
T'yak na may lihim ang unang nag duda
Pagka-gahaman sa salapi, kadalasan ay 'di magandang sanhi
Ilang daanan na tinahi, malasahan lang ang kiliti
Ang layo na ng narating, kung dati, pampalipas lang
Ganito pala kapag kumita, sarap magbilang
Galing sa wala kaya alam pa'no 'to tantyahin
Kung makupad ka, baka mahawa 'yokong lagnatin
Taon na ang ginugol, tumaya, para lang magtagal
Maaga kang mawawala kung ika'y kupal kupal
Sikreto sa laro, magtanim at makisama
Tsaka ka lang kikilos 'pag alam mong may tambak ka na
Sakit ng karamihan ma-muna kapag nasasapawan
Pinakilala ang sarili dahil sa kababawan
'Di ka ganyan mag-isip kung madami kang ginagawa
Gayahin mo 'ko, bumilib, 'di nanghila pababa
Inakay ko yung naghatid, tinuloy ko lang yung turo n'ya
Kesa mapatid, pinagdugtong kaya um-okay pa
Pag gusto ng wasakan, pagbibigyan basta may offer ka
Galingan mo lang, baka matulad ka din sa iba
Biro lang, boy
Written by: Dan Christopher Garcia, Jet Magnaye, Michael Castro