制作
出演艺人
马嘉轩
声乐
作曲和作词
Maria Athena Planes Antiporda
作曲
歌词
Tuwing kasama kita
'Di mapakawalan ang mga salita
At tuwing ako'y nag-iisa
Hindi mapigilan ang agos ng mga kanta
Walang kasing daling makasama
Kaya ang hirap pawiin aking nadadama
O saya, o luha
Ba't sila ang mga kasunod 'pag kasama kita
O tadhana, o sumpa
Alin sa kanila ang damdaming patuloy kong nadadama
Pakakawalan ko na ba?
Tuwing kasama kita
Ako'y nakatulalang napapatula
Bakit kaya 'di mo makita
Ang lihim na salita sa aking mata
Walang kasing sakit kung mapalayo
Hindi na kaya ng pusong umasa muli't mabigo
O saya, o luha
Ba't sila ang mga kasunod 'pag kasama kita
O tadhana, o sumpa
Alin sa kanila ang damdaming patuloy kong nadadama
Pakakawalan ko na ba?
At siyang may dulot ng ngiti, ang dahilan ng pighati
Bakit ganyan? Bakit ganyan?
At kung mapunta sa iba, wala ba 'kong magagawa?
Pakakawalan ko na ba?
O saya, o luha
Ba't sila ang mga kasunod 'pag kasama kita
O tadhana, o sumpa
Alin sa kanila ang damdaming patuloy kong nadadama
Pakakawalan ko na ba?
Tuwing kasama kita
'Di mapakawalan ang mga salita
Written by: Maria Athena Planes Antiporda

