制作

出演艺人
Dionela
Dionela
表演者
Dello
Dello
表演者
Flict G
Flict G
表演者
作曲和作词
Dello
Dello
作曲
Flict G
Flict G
作曲
Lem Belaro
Lem Belaro
作曲
制作和工程
timothy Run
timothy Run
制作人
Brian Lotho
Brian Lotho
制作人
Chris Anthony Vinzons
Chris Anthony Vinzons
制作人

歌词

'Di na'ko magpapakita
Dun ka na lang kung sa'n ka masaya
Onti na lang at manhid na
Kaya't sakit ay dagdagan mo pa
Para maging manhid ako
Ewan ko ba kung mali ba 'to
At kung sakali na makita mo
Ang tao na dati baliw sa'yo
Baliw pa rin naman ako
Lalo na at mas pinili mo na maging kayo
Para sa'yo
Kakayanin ang sakit na 'to
Kaya 'wag ka nang mag-alala para sa'kin
'Wag mo na din paasahin kahit naging alanganin, uh
Para sa'tin, alam natin na ito ay dating laban natin
Ngayon ay ako na lang mag-isa pero pilit kakayanin
Pwedeng bago siya lumisan
Pakiusap ko sana'y pakinggan
Oo na, kayo na
'Wag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya
Kung 'yan talaga ang tinadhana sa atin hindi na para humadlang
Hayaan mong akuin ko ang lahat ng bigat para pasanin mo'y gumaan
'Wag mo 'kong intindihin kaya ko 'to gusto ko ikaw ay maging masaya
Kahit ang kapalit nun ay ang 'yong kahilingan mahal na bitawan kita
Alam mo naman ako gagawin ko lahat para maging maligaya ka lang
'Di na ko aasang sa'kin mo matatagpuan ang saya na iyong inasam
At isa lang ang aking hiling, aking dasal na sana'y alagaan ka niya
Kung may pumatak man na luha sa 'yong mga mata, ikalulungkot ko talaga
At sa bagong pag-ibig ng aking inibig, sa'yong mga bising iyong alagaan
'Di na ko sisingit, 'di na ipipilit dahil sa 'king isip pangarap na lamang
Lahat ibalik kahit ako'y sabik, kanyang mga halik nagkaro'n ng hangganan
At oo na, sige na, kayo na, 'wag mo lang ipamukha ng harapan
Pwedeng bago siya lumisan
Pakiusap ko sana'y pakinggan
Pwedeng bago niya ko iwan
Pakiusap ko sana'y pakinggan
Oo na, kayo na
'Wag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya
Mahirap nang tayong dalawa
Kaya sa'yo na lang siya
'Di ba't mahirap nang tayong dalawa
Kaya sa'yo na lang siya
(Dagdagan mo pa)
Oo na, kayo na
('Di na 'ko sisingit, 'di na ipipilit)
'Wag mo nang ipamukha
(Sa 'yong mga bisig iyong alagaan)
Na naagaw mo siya
(At oo na, sige na, kayo na, 'wag mo lang ipamukha ng harapan)
(Kulang pa ba)
Oo na, kayo na
(Nanalo ka na sa kanya)
'Wag mo nang ipamukha
(Dahil sa'yo, ginawa niya 'kong tanga)
Na naagaw mo siya
(Nangyari na ngang talaga, wala na kami, kayo nang dalawa)
Oo na, kayo na
'Wag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya
Written by: Dello, Flict G, Lem Belaro
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...