歌词

Parang panaginip, tayong dalawa At ayoko nang magising, mahimbing na Ang pagtulog, nahulog, nalunod nang nag-iisa Sa pagpikit ng aking mga mata Ayoko nang magising 'pagkat gusto pang madama Mga kundiman na tungkol sa 'ting dalawa Pero ako lang ang may alam Ipaalam sa 'yo'y 'di na kailangan pa Alaala na nasulyapan Sa litrato ng aking mapaglarong kaisipan Iniisip hanggang kailan sa tadhana'y makipagbiruan Sa ideya na tayo at hindi sa panaginip lang Kaya gan'to na lang Nakakabighani kapag tinitingnan ka lang Mabuti nang gan'to na lang, ando'n ka lang Tinatanaw mga ngiting nakakasilaw Nako po, kung alam mo lang Kapag dumadaan, biglang ang bagal na ng lahat Mga pasimpleng hawi ng buhok, nahulog agad Sa 'king isip, ikaw ay kapiling at akin ka Kung panaginip lang lahat, limang minuto pa Tunay na masayang ngiti Tumitig lang sa 'yo, nabighani, oh, oh, oh, oh 'Pag nakita ang iyong larawan Lungkot ay humahawi, oh, oh, oh, oh, oh, oh Parang panaginip, tayong dalawa At ayoko nang magising, mahimbing na Ang pagtulog, nahulog, nalunod ng nag-iisa Salamat at ako'y nagising Sa isang bangungot na akala ko'y tulog na mahimbing Naalimpungatan sa mga demonyong akala ko'y Akala ko'y kaya kong itumba ngunit pinilit nilang ako'y malasing Ni ang kuwartong pinagsaluhan nating dalawa Ay mismong siya na rin ang umiiling Sa isang larawang nagsilbing ebidensya Na akala ko'y mapapag-aralan mo rin akong mahalin Magkasama tayo sa isang larawan Nakangiti ka, habang ako'y nakatingin sa 'yong mga mata Sumagi bigla ang aking mga isipan Na ang lahat ng ito ay isang kalokohan lang Bawat oras, iniisip kang makasama At pero lahat ng ito ay aking mga mahika Lahat ng alaala nating dalawa Alaalang ako lang ang nakadarama
Writer(s): Lynn Hutton, Jeff Hyde, Neil Mason Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out