音乐视频
音乐视频
制作
出演艺人
Guddhist Gunatita
表演者
作曲和作词
Guddhist Gunatita
作曲
Trvmata
作曲
Illest Morena
作曲
Genesis Lago
词曲作者
歌词
Ikaw ang gusto na makasama
Samahan mo 'ko tuparin ang aking mga "sana"
Pasensiya na kung gan'to paraan ko mangharana
Masyado ba mabilis? Alam kong ika'y dala na
Sa mga suliranin, pasanin
Gusto mo nang ayawan
Ramdam ko ang 'yong damdamin
Gusto mo na gumaan
Gusto ko lang na sabihin nadarama
Ayoko nang palipasin pa
Gusto ko lang na sabihin nadarama
Ayoko nang palipasin pa (yeah, yeah, yeah, ayy)
Gusto ko lang mangamusta, pasensiya kung minsan
Nauubusan ka ng pasensiya sa 'kin, puwede bang pabagalin?
Pabagain na lang natin ang gabi nang 'di nagmamadali
Alam kong hindi madali mag-isa kaya puwede ba 'kong tumabi sa 'yo
At isantabi na muna natin ang ating mga pighati?
'Di na para gumanti, ako kasi, alam ko kung ga'no kasakit
Kahit papa'no ay 'di ko naman limot na ngumiti sa mga sandali na kasama kita
Masaya ang nadarama, hindi na para magsinungaling
Pagmasdan natin, ang kapaligiran, nakangiti din
Kung iyong iisipin, lahat posibleng mapasa'tin
Basta 'wag mong kalimutan na ingatan ang sarili
Walang imposible kung malinis ang hangarin mo
Gusto ko lang na sabihin nadarama
Ayoko nang palipasin pa
Gusto ko lang na sabihin nadarama
Ayoko nang palipasin pa
Ano'ng oras na ba? Tatlong taon na rin mula no'ng una kang makita
'La na 'kong balita, pero araw-araw pa rin kitang 'pinagdarasal nang medyo matagal
Upang ang aking pagod at sakit ay matanggal
Handa 'kong tumakbo't humabol, kahit na hingalin man ay ayos lang
('Di ako magdaramdam)
Manatili ka lang sa 'king tabi
Palaging kapiling, araw o gabi
Sarado ang tenga sa sabi-sabi
Kasi 'di hahayaang mawalay ulit sa 'yo
Ito'ng totoo
'Kaw ang kahinaan at lakas ko
Damahin natin ang simoy ng hangin
Kung 'di man palarin ay ayos lang sa 'kin at
Asahan mo na 'di ka pababayaan
Ilang unos man ang ating madaanan
Sa 'kin kumapit ka
'Di ka nag-iisa
Asahan mo na 'di ka pababayaan
Ilang unos man ang ating madaanan
Dito ka lang, sinta
Tayo lang dalawa
Gusto ko lang na sabihin nadarama
Ayoko nang palipasin pa
Gusto ko lang na sabihin nadarama
Ayoko nang palipasin pa
Written by: Genesis Lago, Guddhist Gunatita, Illest Morena, Trvmata


